CHAPTER 17

58 9 0
                                        


Alam kong maraming magbabago dahil sa hinayaan ko ang damdamin kong 'to, marami akong dapat isipin lalo pagdating sa pamilya ko at magiging reaksiyon nila sa 'kin, pero naisip ko na dapat ko ba 'yong problemahin na kaagad ngayon? Nagsisimula pa lang kami ni Jude, hindi ko pa alam saan kami dadalhin ng relasyong 'to.

"Sam, hindi ka ba nagugutom?" tanong ni Jude nang maupo siya sa kama.

Basa pa ang kanyang buhok kaya pinupunasan niya 'yon. Nakasuot lang siya ng plain white shirt at black short. Nauna kong maligo sa kanya kaya prente na 'ko sa pagkakaupo sa kama habang nakasandal sa headboard habang nanonood ng movie.

"Busog pa 'ko, ikaw ba? Order na lang ba 'ko sa food app?"

Alam kong pagod na rin siya dahil nakakapagod talaga ang event. Inabot din kami ng halos nine dahil sa pagliligpit dahil iyong iba ayaw na bumalik para maglinis kinabukasan kaya tinapos na namin lahat.

Tiningnan niya 'ko at nginitian.

"Ano nga? O-order ba 'ko? Ano bang—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil daig pa niyang nagdive papunta sa hita ko.

"I'm so tired, Sam..."

Hinimas ko ang kanyang buhok dahil basa pa 'yon.

"Ayokong kumain gusto kong magpahinga."

Nakadapa siya sa hita ko. Sa boses pa lang naman alam ko na rin na pagod na siya. Marami ba naman siyang binuhat.

Pinatay ko na ang T.V. at hinanap ko sa gilid ng wall ang para sa ilaw, pinili ko iyong dim lang para hindi masyadong madilim.

"Matulog na tayo, umayos ka na."

"Sam, sa isang school lang tayo mag-college 'di ba?"

Umayos siya ng higa pero nasa hita ko pa rin.

"Depende, sabi mo naman ay magkasama tayo sa apartment?"

Napangiti siya at hinuli ang kamay kong hahaplos sa kanyang buhok at hinalikan 'yon.

"Gusto kitang kasama, kaso baka piliin mo 'yong school na pangmamatalino at pangmasisipag, olats ako ro'n."

Hindi ko alam ang isasagot, sa totoo ay wala pa 'kong desisyon kung saan. Hinihintay ko pa ang suggestion ng magulang ko.

"Pero okay lang basta, magkasama tayo sa apartment."

Nang nginitian niya 'ko ay nawala na kaagad ang problema ko patungkol sa maaaring pagkakaiba namin ng eskuwelahan.

Hinawakan niya ang ulo ko at bahagyang ibinaba, mabuti at dim na ang ilaw kaya hindi niya na mapapansin ang pamumula ko. Kumakalabog din ang dibdib ko, hindi ko alam kung ganito 'to.

Umangat siya ng bahagya at naglapat ang labi namin. Saglit lang 'yon dahil bumago siya ng puwesto, hindi ko na namalayan ang ginawa niya at na-realize ko na lang na nakahiga na 'ko at nasa ibabaw ko na siya. Hinalikan niya 'ko bago pa gumana ang isipan ko, at wala rin naman akong naging tutol, saglit lang ang pagkabigla ko at tinugon ko rin ang halik niya.

Iba ang pakiramdam ng halik niya ngayon, mas nararamdaman ko na nagsisimula na kaming maging malapit sa isa't isa. Sinusundan ko lang siya dahil siya naman ang unang hinalikan ko. May kakaibang pakiramdam ang halik, hindi ko maipaliwanag pero para bang hahanap-hanapin ko siya.

Alam ni Jude kung kailan titigil at hahalik sa ibang bahagi ng mukha ko katulad ng ibabaw ng ilong ko para makahinga ako dahil sa naninibago pa 'ko. Pero kapag wala ang labi niya sa 'kin ay parang hinahanap ko na kaagad.

Hinawakan niya ang mukha ko at muli akong hinalikan ng dahan-dahan, sa ganitong paraan tinuturuan niya 'kong humalik na hindi niya kinakailangan ipaliwanag sa 'kin. Nakakapagtaka rin na hindi na 'ko naiilang kahit kaunti. At nang magkatitigan kami ay hinalikan niya 'ko sa noo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHASING YOU ( BL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon