JUDE
Hindi ko pinansin si Sam, sinadya ko naman 'yon pero hindi na rin niya 'ko kinausap pagkatapos ng huling tawag niya na hindi ko sinagot. Iyong space na ginawa ko pansamantala ay naging malaking espasyo na dahil maging siya'y lumayo na rin sa 'kin at naramdaman ko 'yon dahil hindi niya 'ko tinatapunan ng tingin. Hindi ko naman maintindihan 'tong sarili ko dahil kung anong kapal ng mukha at lakas ng loob ko ay tila ba pinanghihinaan ako ngayon para kausapin siya at magpaliwanag.
"Anong sabi ni Sam, galit ba siya sa 'kin?" tanong ko kay Samantha. Tinulungan ko silang maglinis ng classroom para lang makapagtanong.
"Sabi niya, hindi ba 'ko nasanay sa 'yo? Oo nga naman, mahilig kang manakit ng babae." Inirapan niya 'ko. "Akala mo naman ay uubra ka kay Sam, straight 'yon, sinakyan ka lang niya iyon ang intindi ko."
"Iyon lang," sabi no'ng tatlong lalaking kaklase namin na kaibigan ko naman. Paulit-ulit sila sa 'iyon lang' at napipikon talaga ako.
Sinakyan lang niya 'ko? Bakit para naman akong sinikmuraan. Pagsakay lahat 'yon, Sam?
Paano ko ba siya kakausapin? Alam ko namang ako ang may mali pero bakit ako nahihiya ngayon?
Ano ba ang tamang sabihin ko sa kanya?
Kahit anong paglilibang ko no'ng nakaraan bumabalik ang isip ko sa kanya, hindi ako nagiging masaya dahil inaalala ko siya, nahiya ako bigla, at marami na nga ang nagsasabi na natapos na ang kalokohan ko. Kung alam lang nila kung anong pinagdaraanan ko ngayon, hindi siguro nila sasabihin na kalokohan 'to kung hindi kabaliwan na.
Thursday, plano ko na siyang kausapin kaya pinaghandaan ko 'yon.
Akala ko makakausap ko siya pero busy siya, nasa student council.
"Kahit saglit lang, sabihin mo kay Sam," pakiusap ko kay Vincent na siyang nakausap ko sa labas ng room ng student council.
"Busy, sabihin ko raw sa 'yo na wala siyang time ngayon, wala siyang free time para sa 'yo."
Hindi ako nakasagot dahil pumasok na siya sa loob at isinara ang pintuan.
Iyon lang ang pinasabi niya pero para na naman akong sinikmuraan. Okay lang 'yong wala siyang time ngayon, pero iyong wala siyang free time para sa 'kin ay parang hindi niya 'ko gusto talagang makausap.
"Kasalanan mo 'yan, Jude, ikaw ang gumawa ng problema kaya wala kang karapatang maging emosyonal," bulong ko sa sarili ko, pinapalakas ko ang loob ko.
Bumaba ako at dahil lunch break naman kaya nakabili ako ng iced-coffee
Kumatok ako sa student council room at bumukas naman 'yon.
"Sam!" tawag ko sa nakatalikod na si Sam. Hindi niya 'ko nilingon. "Uy, Sam, pansinin mo naman ako!" Iniabot ko kay Vincent ang iced-coffee ni Sam. "Ibigay mo, sabihin mo with love."
"Lumabas ka na nga, kapag nakita ka pa ni President dito ay baka kung saan ka pa dalhin."
Pinalabas niya 'kong pilit at isinarado ang pintuan. Napakamot ako sa kilay dahil hindi ako nilingon o pinansin ni Sam. Sinilip ko ang room nila sa glass ng pintuan, iniaabot ni Vincent ang iced-coffee pero mukhang 'di niya tinanggap at nakita kong tuwang-tuwa si Vincent at siya ang uminom no'n.
Mukhang galit talaga siya sa 'kin.
Bumalik ako sa classroom, at nilapitan ko si Farah.
"Oh, bakit? Ano na namang kalokohan 'yan? Ako naman ang liligawan mo?"
"Hindi 'no!"
Nagtawanan sila dahil malakas ang pag-uusap namin.
"Ilista mo si Sam sa gagawa sa apartment ko para sa Foundation Day."
![](https://img.wattpad.com/cover/342911623-288-k282801.jpg)
BINABASA MO ANG
CHASING YOU ( BL )
General FictionBoy's Love/ Male to Male Story Kung paiiksiin ang paglalarawan sa kanya, 'BAD BOY' para sa 'kin si Jude. Pero hindi siya most hated, kahit iyong mga ex niya ay kabiruan at kaibigan pa rin niya. Para siyang si Mr. Friendship na sa bawat kanto at sul...