HERO

1.7K 31 1
                                    

Hi po!!! MUST BE LOVE SHOWING na po!!! Talagang isinabay namin ang update namin dito hhehe! Yehey malapit na po ang summer namin kaya mas mabilis na kami magupdate promise po yan!!! :) keep supporting us! Wag kayong magsawa! konting tiyaga na lang at mababasa niyo na ang mga ninanais ng mga MATA at UTAK niyo pero lalo na ng PUSO niyo! haha, enjoy po!





Mikael’s POV

5: 00 pm na?!

Paano ngyari yun? 6: 00 am pa lang kanina. Paano naging 5 na lang bigla?!

Hinawakan ko yung ulo ko… wala na akong lagnat pero nahihilo ako, siguro kasi bagong gising ako.

Dahan-dahan akong tumayo… mejo hirap ako maglakad-lakad kasi parang nanlalambot ako.

Anong ngyari sa akin at biglaang ganito na lang yung tulog ko? Ilang oras din yun ah!

Teka! Si Arisa… magisang naglilinis yun! Tss, tigas pa man din ng ulo nun at for sure hindi nagpatulong.

Kinuha ko kagad yung susi ng kotse ko at lalabas na sana ng kwarto ko ng may nakita akong papel na nakadikit sa pinto ko.

Mj,

        Sorry anak at binigyan kita ng pampatulog. Alam kong magagalit ka sa akin sa ginawa ko pero yun lang kasi ang naisip kong paraan para magstay ka sa bahay at magpahinga. Pag-uwi ko na lang tayo mag-usap. Patawad anak pero wala kami ni Margaret, isinama ko siya. May maliit na problema lang sa Cagayan na dapat ayusin. Wala din si JM at ang papa mo kaya wag kang gumawa ng kalokohan. Binilin na din kita kaila JC. Sorry ulit anak at I love you. Magingat ka please.

                                                                                Mama

 

Galit ako… oo. Tsk, hindi naman niya kailangan gawin yun! Nilukot ko yung papel at tinapon yun sa lapag at tumakbo na papuntang garage namin.

Ano kaya ang ginawa ni Arisa? Tapos na siya, for sure. Usually kasi isang oras lang kami naglilinis, minsan isa’t kalahating oras depende kung madaming kalat sa canteen pero Friday ngayon kaya konti lang yun.

Nagdrive na akong papuntang school… nagbabakasakaling nandoon pa siya.

Tinanong ko kagad yung guard.

“Kuya! May lumabas ba ditong babae? Mahaba yung buhok at maganda?”

“Opo, si Ms. Arisa po ba Sir Cruz?” Tanong ng guard.

HELLHIGH ❤KathNiel❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon