Oh eto na po next chapter! Gift namin sa inyong lahat! Thanks to all sa pagvote at pagview, please continue! Mwah mwah! :))
Edited
Umuwi na ako at hinanda yung susuotin ko bukas. Humanda ka Mikael Jason! BWAHAHAHAHHA. Kala mo papayag akong api-apihin mo lang kaming mas bata sayo. Mali yata kinalaban mo.
Nagmumuni-muni ako, nang bigla pumasok ate ko sa kwarto ko, hindi man kami bonggang-bonggang close sa school, para naman kaming Siamese twins sa bahay dahil lagi kaming magkakwentuhan at magkadikit. Pero simula ng naging High School na siya, nagsesecret na siya sa akin.
"Risssssssss!! Musta na nga pala first day mo? Nakahanap ka na ba ng nais mong mahalin haha, or maging BF??" Kamusta ng ate ko.
"HHA? Eto naman si Ate, LALAKI KAGAD INATUPAG. Lande! Hahaha, First Day pa lang mahal mahal na kagad? PBB TEENS PBB TEENS? Haha." Joke ko.
"Sorry naman. Anyways, Kaps. Musta first day mo? Sino teachers mo? Kaklase mo ba yang tropa mo?"
"Ice lungs." Sabi ko at kinwento ang buong araw ko sa kanya pero di ko sinali yung kay MJ, magagalit nanaman yun eh, sasabihin nanaman
'PAPANSIN KA TALAGA! FIRST DAY NA FIRST DAY! REPUTATION KO SINISIRA MO!'
kaya siguro ayaw niyang malaman ng ibang tao na magkapatid kami kasi kung magsalita daw ako... PALENGKERA STYLE-__- Okay, parang nagiging insecurities ko na toh ah. Dati confident na confident ako sa ugali ko pero ngayon, parang naging insecure na ako, MISMONG ATE KO... kinahihiya ako.:(((
"Uy, Kaps. BTW, may tatanong ako sayo, baka kasi kaklase mo siya eh. Balita ko, may freshman daw na babae, sinagot yung heartthrob sa school."
Nagulat ako at nagkunwariang walang alam;
"Sinong Hearthrob ba tinutukoy mo?"
"Ewan ko kung kilala mo na, pero sure ako, makikilala mo toh, SAKSAKAN ng gwapo kaps! Grabe! Swerte ko, classmate ko siya! JUSKOOOOO!! Si Mikael Jason Cruz."
SHET. Sabi ko na nga ba eh, SAKSAKAN BA KAMO? Saksakin ko yun eh. Ayoko nang sabihin sa ate ko na ako yun... Kaya nagtatangatangahan ako.
"Weh? Di ko kilala yun, di ko pa siguro nakikita. Pati balak ko magbago ng reputation eh, kaya di ko muna inaalam yung mga chismis ng school. Hehe"
"So, sinasabi mo bang di mo kilala yung babaeng sumagot sa kanya?"
"WALANG-WALA. NOPE. NO. NOTHING. EWAN. MALAY KO. UNKNOWN." Sinabi ko na lahat para lang di malaman. HAHAHA.
"Lecheng babaeng yun, pagnakasalubong ko yun, na ko. Jojombagin ko yun. Kapal ng mukha."
Patayyyy! Buti na lang mga kaibigan ko lang nakakaalam na magkapatid kami, kung hindi, Hiyang hiyang hiyang hiya na tong ate ko pag nalaman ng lahat na magkapatid kami.
"Ah, sige. Sabihin ko nalang sayo pagnalaman ko kung sino siya. Sige ate, gagawa pa ako ng homework:)" Dahilan ko.
"First Day Pa lang ah? May homework na kagad kayo?"
ARISA!! ANO KA BA, ANG BOBO MO MAGDAHILAN.-___-

BINABASA MO ANG
HELLHIGH ❤KathNiel❤
Storie d'amoreWhat if you fell inlove with the person bullying you and your friends? And he fell inlove with you too? But your sister had a past with him and still hasn't moved on? Would you give him up or fight for him? BUT--would you still fight for him if you...