Lucky

1.5K 26 12
                                    

Hello po! Enjoy po sa chapter na toh, sorry kung medyo boring? Inaayos ko pa po kasi yung mga kilig momments so sorry nga pala. Dapat nung monday pa tong chapter na toh eh kaso umalis kami at well... busy hehe ENJOY =))

Sa sobrang kulit namin ni Arisa, hindi kami nakakain pero binilan ko naman siya ng siopao bago ko siya ihatid sa classroom niya. Ewan ko ba kung bakit siopao, siguro kasi isa yun sa mga little THINGS na naging bridge para maging close kami.

"Adik nanaman toh oh, ngiti-ngiti eh nagpapa-quiz nga si ma'am. Anong masaya dun?!" Reklamo ni Mycko na grabe titig sa mukha ko.

"Oo nga pare, ano nakakatuwa? Share mo naman, nag-aral ka ba? Ready ka?" Sabi naman ni Katsumi.

"Hindi! Syempre di ako ready... kaya nga surprise quiz diba? Di na surprise yun kung walang nagulat diba?" Sabi ko na nairita bigla.

Panira talaga tong mga toh, sarap tuktukan. Dapat habang maaga pa, mag-hahakot na ako ng good vibes kasi mamaya... makikinig nanaman kami sa mga boses ewan mamaya. Oo, masama na kung masama pero ganun talaga eh. Sinasabi ko lang yung totoo.

"Eh bakit ka nakangiti?" Tanong ni Seth na nagtataka.

Ah, oo nga pala. Kinakausap nila ako, muntikan ko ng hindi madinig yung sinabi ni Seth.

"Heh, basta! Sa akin na yun." Sabi ko na naka-kunot noo. Porket tropa kailangan alam lahat?! Di ba nila alam yung privacy?

Nagbulungan yung mga mokong at may nakuha ako na pinag-uusapan nila, si JC yung nadinig kong nagsalita.

"Mamaya di na nakangiti yan."

"Anong sabi mo?" Tanong ko na sinusungitan sila.

Tumahimik sila, hindi lang dahil sa pagsusungit ko dahil din nagsimula na yung quiz namin na mataas naman yung naging marka ko which is surprising.

Nag-cr ako pagkatapos na pagkatapos namin mag-quiz. Naglalakad ako papuntang restroom ng may nakita ako na poster na nakapost sa bulletin board namin at ito ay yung audition form namin. Hinanap ko yung pangalan na gusto kong makita at sa second sheet of paper ko siya nakita...

Arisa Janine Canizares

Napangiti ako pero bumagsak kagad yun nung nakita ko yung instructions sa taas.

"You can get a duet with one of us!!!"

Holy shit... no efffing way. Ano to?! Papatayin ko to si JC! Kaya pala parang dumoble yung papel. Bakit kailangan pa to kung alam naman ng lahat na si Arisa yung pipiliin namin?

Hay, kunsumisyon talaga yung mga yun.

What's done is done... parang mababago ko naman to.

Kung ano man mangyayari mamaya... sana maging maayos naman.

Arisa's POV

Sinarado ko yung locker ko, tapos na ang klase pero di pa ako pwede umuwi. Kasi may pinapagawa sa akin ang P5. Sa totoo lang, di ako disappointed na hindi ako makakauwi ng maaga. Sanay na ata kasi ako umuwi ng late eh. Buti nga di ako grounded dahil sa ginawa ko nung Friday, bait talaga ng mommy ko. Ewan ko nga kay daddy kung bakit ako di kinausap at tinanong kung anong ngyari sa akin at bakit wala ako nung Friday at Saturday. Siguro kasi he trusts me at kay Ej naman ako 'KUNYARI' natulog na alam naman ni papa na BAKLA.

"Gurlaloo, uwi na tayo. Hatid daw tayo ni Kuya Sam gamit Awoto niya." Sabi ni Ej.

"Ah, hindi ako sasabay. May gagawin ako eh. Alam mo na, yung audition." Sabi ko sa barkada na present na pala pati sila Kuya Sam.

HELLHIGH ❤KathNiel❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon