Hi, fast update ne? Well we want you guys to be happy so keep supporting us. Short chapter, i know pero puno naman toh ng kv! hehehe, enjoy and please follow yung steps. haha =))
Arisa’s POV
Kumakain ako ng bigla kong napansin na tumahimik yung kausap ko.
Tinignan ko si Mikael… nakatulog na siya.
Natawa ako sa nakita ko. Ang cute niya matulog. May poise pa rin.
Inayos ko yung higa niya at kinumutan siya. Nagligpit na ako ng mga kalat ko at nung bumalik ako natawa ako sa nakita ko. Nakadapa na kasi si Mikael, yung kumot at unan niya ay nasa lapag na.
Pinabayaan ko ang sarili na tumawa ng tahimik.
Gustohin ko mang ilipat siya sa kwarto niya, hindi ko kaya kasi mabigat din siya kahit papaano huh! At baka mawala pa ako -____-. Ayaw ko na ding guluhin siya at distorbohin. Kailangan niya yung pahinga kaya yun na ang ibibigay ko.
Kumuha ako ng maliit na planggana at kinuha ko na lang yung handkerchief ko at binasa yun sa lababo sa kitchen. Ayaw ko na kasing lumayo pa… baka mawala nanaman ako eh.
Warm water yung ginamit ko at bumalik na kung nasaan si Mikael.
Binaba ko yung planggana sa coffee table at inayos yung pwesto ni Mikael, sasakit likod neto sa mga pinag-gagagawa niya eh.
Nilalagay ko na yung kumot niya sa kanya ng bigla niya ako hinawakan at NIYAKAP!
>////_____////< OHHHMMMEEEHHHHGHHHHEEEDD
Super lapit nung lips namin! Grabe! Minamanyak na ba ako neto o talagang natutulog siya?!
Hindi ako gumalaw o umimik kahit ang awkward ng position namin. Tinitigan ko lang siya kung nagtutulog-tulugan lang ba siya o talagang tulog siya.
Mukhang tulog nga siya kasi dahan-dahan at peaceful yung paghinga niya at relaxed yung mga mata. Hindi ito nanginginig at parang pilit na natutulog.
Aba! Hindi porket tulog siya eh pababayaan kong ganyan lang siya! I’m not that kind of girl!
Ayoko naman na gisingin siya kaya dahan-dahan ko lang inaalis yung mga kamay niya sa akin pero parang nagigising siya at humigpit lalo yung pagyakap niya sa akin!
>///////< Holy EFFFF!
BINABASA MO ANG
HELLHIGH ❤KathNiel❤
RomanceWhat if you fell inlove with the person bullying you and your friends? And he fell inlove with you too? But your sister had a past with him and still hasn't moved on? Would you give him up or fight for him? BUT--would you still fight for him if you...