☆I Wish☆

311 8 3
                                    

Mikael's POV

Nagising ako sa isang wheezing sound at ang lakas nito, parang katabi ko ba. Nagising ako at nagulat na lang bigla nung humihinga ng malalim si Arisa at umuubo pa siya.

Inupo ko kagad siya at sinabi. "Arisa, babe anong nagyayari?"

Napansin ko na gising pala siya at ngumiti siya sa akin kahit nahihirapan siya. Bumagsak yung puso ko at pinunasan yung pawis niya na bumabagsak sa noo niya.

"Anong ngyayari sayo? Seth!!! JC!!!" Sigaw ko.

"A-asthma." Sabi ni Arisa na putol-putol.

"Anong dapat kong gawin?"

Bago pa ako makapagsalita pa, biglang bumukas yung pinto at pumasok si JC at lahat ng boys. Napansin kong may eyes of recognition si Albie at Neil. Magtatanong sana ako kung ano gagawin ko pero biglang umalis na lang bigla si Albie at nung bumalik siya, may dala siyang inhaler.

Lumapit kagad siya kay Arisa at ginawa yung dapat niyang gawin. Nainis ako sa sarili ko...hindi ko alam na may asthma pala siya. Hindi ko sana siya pinabayaan na matulog kung saan ang daming mga feathers sa paligid. Ipinahamak ko siya... ang tanga ko.

Ang masakit pa dito ay kahit anong mangyari, mas marami pa din alam si Albie tungkol kay Arisa. Sa akin nga siya... ipinamumukha lang ni Albie kung gaano ako hindi karapat-dapat sa kanya at ang sakit nun. Sobrang sakit.

Pinabayaan kong kunin ng ibang lalaki yung girlfriend ko... kasi alam ko pag na kay Albie siya, magiging ok siya. Mas safe siya lalo na kung nag-act up ulit yung asthma niya.

Nagulat ako nung lumapit sa akin si Neil.

"Ayus ka lang ba MJ?"

"Magiging okay ako kung alam kong wala sa pahamak si Arisa." Sabi ko na nasasaktan pa rin.

"Matagal ng may asthma si AJ, alam namin kasi simula pa lang nung mga elementary kami mahina na talaga si AJ sa mga sakit kasi dahil dun at gumawa siya ng eksena nung may sports fest kami... player kasi siya dati ng volleyball."

"Anong dapat kong gawin?" Desperado kong tanong.

Hiningi ni Neil yung cellphone ko at di ako nag-hesitate, binigay ko na lang sa kanya. May tinext si Neil at agad naman niyang binigay sa akin yung cellphone ko afterwards. Nung tinignan ko yung phone ko napansin ko na pangalan pala ito ng gamot.

"Yan yung pangalan ng gamot ni AJ at pati na rin yung dosage na kailangan niya."

"Salamat." Sabi ko at kinuha ko kagad yung susi ko ng kotse.

"Aalis ka na kagad?! Grabe ka naman. Okay na siya." Sabi ni Neil.

"Kailangan ko ng bumili para sa kanya." Sabi ko at dun ko lang napansin na nandun pa pala silang lahat except kay Albie at Arisa.

Napansin ko na may napansin sa akin si Sam at ngumiti siya nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya.

"Something happened... for the better right?" Tanong niya sa akin.

Ningitian ko lang siya at tumango. Alam na niyang sinagot ako ni Arisa.

"Hindi ko gets." Sabi ni Mycko na nakatitig sa amin.

Ngumiti ulit ako at sinabi. "Help yourseves sa cake sa ref pero wag na wag niyong uubusin at bigyan niyo yung girls. Sige alis muna ako."

Lumabas na ako sa kwarto ko at napasilip ako sa kwarto kung nasaan si Albie. Nandoon si Albie, hinihimas niya yung likod ng GIRLFRIEND KO at binigyan niya ng tubig. Hirap pa rin yung paghinga ni Arisa pero mas okay na ito kaysa kanina.

HELLHIGH ❤KathNiel❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon