Hi guys! Happy Valentine's Day! Oh may gift kami sa inyo oh! Update! Sorry to tell you guys na hindi pa ito happy happy chapter pero support niyo pa rin ah! Uy, vote ah! hahaha SHOUTOUT!!! thank you sa lahat ng nagbabasa at sumusuporta sa story na toh! Wag kayong mahihiyang humingi ng dedication. Comment lang kayo palagi, ibibigay namin kagad yung chapter na yun! :-* <3 Arisa POV pa rin po!
Nagising ako ng sobrang aga, mga 2 pa lang nagising na ako. Nagbanyo muna ako at nakita ko yung mga mata ko sa salamin. Grabe yung mugto ng mga mata ko, magangmaga at sobrang pula.
Bumaba ako ng dahan-dahan papunta sa kitchen para kumuha ng ice sa ref. Nilagay ko yung ice sa icebag at pumunta ng sala. Doon ako tumambay, nahiga ako sa sofa at binuksan yung tv. Nanuod ako ng nakatawang movie Scary Movie 2 kahit hindi naman talaga ako nanonood dahil nakasalubsob yung mukha at lalo na yung mga mata ko sa icepack. Binuksan ko lang naman talaga yung tv para hindi masyadong tahimik.
…para din hindi ako makapagisip dahil alam ko pag ginawa ko yun, iiyak nanaman ako.
Edi balewala lang yung ginagawa ko ngayon kung iiyak nanaman ako.
Ang sarap sa mata ng ice, nakakaginhawa.
Nakatulog tuloy ako ng hindi namamalayan.
“Anak, nak gising na.” Sabi ng mahinahon ng nanggigising sa akin. Hindi ko pa alam kung sino yung kumakausap sa akin at yung kinikiliti pa ako para lang magising.
“Ayoko pumasok.” Reklamo ko.
“Ay hindi pwede nak, madami ka mamimiss eh malapit na ang exam niyo. Bangon na. Bili, malalate ka niyan. Lagot ka sa papa mo.” Sabi nung boses na ngayon eh alam ko nang si mommy… nakapikit pa kasi ako eh.
“Ayoko.” Sabi ko ulit.
Ano pa nga ba ang point? Papasok ako pero wala naman ako naiintindihan sa lesson plus binubully pa ako. Ano motivation ko para pumasok?
Nakapagisipisip ako… kung aabsent ako, magisang maglilinis si Mikael sa canteen. Ayaw ko namang iwan siya kahit napakasama niya sa akin kahapon.
Sige na nga! Papasok na, hindi dahil gusto ko si Mikael or whatever. Ayaw ko lang mapagod siya masyado, nakakaguilty at baka magalit pa lalo sa akin yun kapag umabsent ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/1361774-288-k430174.jpg)
BINABASA MO ANG
HELLHIGH ❤KathNiel❤
RomanceWhat if you fell inlove with the person bullying you and your friends? And he fell inlove with you too? But your sister had a past with him and still hasn't moved on? Would you give him up or fight for him? BUT--would you still fight for him if you...