This flashback will start from half of chapter 35 to chapter 40. Thank you!
________________________________________Celestine's POV
NAKAUPO LAMANG AKO HABANG dinadama ang lamig galing sa labas. Umuulan at nasa bintana ako malapit. Maririnig ang paggalaw ng mga tao sa paligid ko.
"Celine? Hindi ka ba babasa diyan, iha?" Tanong ni Tita Danice.
"Hindi naman po." Sagot ko.
I felt a warm hand on my shoulder. I know it's tita Danice. "Call me, if you need me."
I nodded and felt her presence had left. Umalis na siya. She's the woman who helped me in the hospital. Mayroon siyang dalawang anak, sina Donna at Daphne. Mas matanda si Donna, at siya ang nakakita sakin. Si Daphne naman ang bunso.
Ang dalawang lalaki naman na kasama magbantay sakin sa hospital ay ang anak-anakan ni tita Danice si Paolo at ang kaibigan naman ni Daphne na si Emmanuel.
It's been a month and I've learned some of there everyday work. Madalas si tita Danice ang nagbabantay sakin dahil work from home siya. Minsan naman ang dalawang magkapatid na si Donna at Daphne.
They are very simple. Alam kong medyo malaki bahay nila ngunit sila mismo kumikilos. Nabanggit ni tita na kahit may laki ang bahay nila, silang apat lang nakatira dito. Inuutusan sila ni tita Danice at minsan naririnig ko reklamo ni Daphne ngunit sumusunod naman.
Not like my family, we have maids taking care of the house. Bihira lang ako maglinis. I just cook some foods or bake whenever I want to.
Mabait talaga si tita Danice, kaya nakakahiya talaga sa kanya na wala akong magawa. Gustuhin ko man kumilos pinipigilan nila ako. Hiyang hiya ako dahil tinatanong nila kung sino ako, ngunit ayoko sabihin. Naiintindihan naman nila iyon, ngunit nakakahiya dahil sila ang umasikaso ng hospital bill ko.
Kahit wala akong makita, dinadama ko na lang ang aking paligid. Kahit presence ng bawat isa sa kanila nakikilala ko agad.
"Celine, kakain na." Si Paolo
I nodded and Paolo helped me walk to the dining room. Nang makaupo ay inayos nila ang kainan. Matapos ng maikling dasal, nagsimula na kumain. Sinusubuan ako ni tita Danice.
Nahihiya ako lalo. "Tita, k-kaya ko naman po.."
"Hindi na, sige na susubuan kita."
I bit my lips. My own parents didn't feed me like this. Maids do this or my grandparents. Palagi silang wala kaya nasanay din kami nila kuya at Iya.
After eating dinala na ako ni Paolo sa kwarto ko. Nang magpaalam na ito umalis. I only nodded and gave a small smile.
Habang dinadama ko ang lamig ng kwarto ko, unti-unti tumulo ang mga luha ko. I wanted to scream and punch myself. I feel so useless. I feel so worthless.
Nahihiya na ako sa pamilyang ito. Napakabait ng mga San Pedro sakin laya sobrang hiyang hiya na ako. Sinusubuan pa nila ako, minsan pinapaliguan pa ako ni tita, sinusuklayan at marami pa. Naiisip ko na baka naaasar na sa akin ang dalawang anak niya dahil naaagaw ko atensyon ng ina nila.
I'm such a burden.
"Wala kang kwenta talaga." I said to myself. "I should have died than being a burden to others."
"You're not a burden." Narinig ko boses ni tita Danice.
I was surprised to feel her near me. Hinawakan niya kamay ko at pinunasan ang luha na nasa pisngi ko. I cried more, I don't know why.
YOU ARE READING
Forget You
Teen Fiction(COMPLETED) After Celestine's death Blaze became cold as ice, he still hangouts with his friends, but doesn't open up with his problems. He always felt something is missing.. or someone is missing, which is her. One day, he unexpectedly saw a famili...