Celestine's POV
IT'S BEEN SEVEN YEARS AND here I am, still struggling with life. It is so unfair to see that I am still not that successful like my siblings. I am nothing beside them.
Puro problema ako ngayon. Sorrel, the business, and my debt. Sinangla ko ang lupa ng resto at bakery kay Dominico para lang gumaling si Sorrel. Donna asked me, but I just told her that I can handle it.
I am so fucking tired. Bakit hindi na lang ako maging masaya? I hate my life. Hindi ko na alam ano gagawin ko.
Oh God, give me a sign that everything will be fine.
Ayoko din sumuko. Nangako ako kay tita Danice and kakabisita ko lang sa kanya. Hindi pwede maging mahina ako. I should always remember her words to me.
Habang nagmumukmok sa isang tabi, narinig ko ang isang kaluskos. Nasa isang park ako, namomoblema. Napatayo ako at tumingin sa paligid. I saw something near the bushes, hiding in the shadows.
Habang papalapit ako nagulat ako na bigla itong tumalon papunta sakin. My eyes widened to see a husky? Paano napadpad ito dito? Medyo maliit pa, mga five months I think. Nakita ko na puro sugat katawan nito.
Nakalabas ang ngipin niya, scaring me to protect himself. Mukhang galit na galit dahil may taong lalapit sa kanya. Siguro sa dati nitong amo napabayaan siya kaya naging ganito.
Naaawa naman ako dahil sa kalagayan nito. I took a bread out of my pocket. Mabuti nagdala ako. Nilapag ko ito sa harap niya at kinain niya naman ito.
I then gave him another and another, hanggang sa maubos na. He was wagging his tail at me. When I finished giving him, I turned my back and left. Naglakad na ako baka kasi hanapin na ako nila Priston, hindi pa naman ako nagpaalam sa kanila.
Napalingon pa ako sa asong kumakain bago pa man tuluyan nang umalis. Habang naglalakad napapaisip ako sa mga desisyon ko. I shouldn't have made a deal with Dominico.
Parang hindi maganda ang ginawa ko. I don't know. Gusto ko gumaling agad si Sorrel at hindi mahirapan sila Donna maghanap ng pera. Sana pala hindi muna kami nagtayo ng restaurant. Minadali ko kasi lahat at hindi naisip na dapat dinahan dahan ko.
Nang makauwi nakita ko si Priston palabas ng bahay nila. May dalang bag at mukhang babalik sa hospital para magbantay silang mag-asawa sa anak. I looked away and continue walking my way to the house when he called me.
"Cel, are you okay?" He asked.
Napatingin ako sa kanya. "Oo naman."
Tumango siya. "Mabuti naman. Don't worry, we'll get through this." Bumaba tingin niya sa likod ko. "I see you made a new friend."
Nangunot noo ko at lumingon. I saw the dog there looking at me as he wag his tail. Tumahol siya sakin at tumingin lang.
Sinundan pala niya ako. Parang kanina lang ay galit ito.I kneeled down and gave my hand to him. He slowly stepped forward and sniffed my hand. Hindi nagtagal ay dinilaan na niya ito at unti unti lumapit sakin. Napangiti naman ako at tumayo.
"Oh well, I'll keep you na lang." Sabi ko at binuksan na ang pinto para papasukin siya.
A few days passed, nandito ako sa hospital para bisitahin si Sorrel. Isang taon at kalahati na siya. Medyo malaki na din at matatas magsalita. Sa sobrang kadaldalan ay hindi maiiwasan na maingayan pero nakakatuwa talaga.
Naupo ako sa kama niya at ngumiti. "Kamusta na, baby?"
"Okay po, mamita." He giggled. "Mamita, I want to go play na. Mommy don't want to po."
YOU ARE READING
Forget You
Teen Fiction(COMPLETED) After Celestine's death Blaze became cold as ice, he still hangouts with his friends, but doesn't open up with his problems. He always felt something is missing.. or someone is missing, which is her. One day, he unexpectedly saw a famili...