Celestine's POV
HABANG MAY NILULUTO, HINDI ko maiwasan isipin ang mga nangyari nung mga nakaraang araw. Lalo na yung tumawag ako. So stupid of me to think he didn't found someone else.
Dumbass, lalaki yan. Malamang maghahanap yan. Hindi lang naman ikaw ang babae na pwede niyang mahalin. Kaya niyang maghanap at kahit ilan pa, kaya niyan.
Nakakainis lang sa sarili ko na, bakit pa ako tumawag. Nagbabakasakali pa kahit malabo na. I just don't get it, hindi ba niya ako hinahanap? Kahit isang buwan lang? Or sadyang they moved on so quickly and here they are happy with their lives.
He is fucking married! Sabagay, wala pa nga kaming isang taon pero nagplano na siyang magpakasal sa akin. Hindi malabo talaga na hindi pa sila matagal, eh kinasal na!
"Celestine!" Napatingin ako kay Daphne na sumigaw. "Nasusunog na!"
Nataranta ako napatingin sa niluluto ko. Sunog na! Hinango ko ito at nilagay sa lababo. Napapikit ako sa inis at napahawak sa bawat sentido.
"Tanga mo, Celestine." Bulong ko sa sarili.
"You okay? Nakaraan ka pa wala sa sarili." Tanong niya sakin
I sighed and looked at her. "I'm fine."
"Hindi halata, 'te" Sabi ni Emman. "Ba't sunog ito?"
I looked at him. "May naisip lang"
"Si Blaze?" He smirked.
Hinampas siya ni Daphne at ako naman ay masamang tumingin sa kanya. "Shut up." I said.
His smirked became much wider and he laughed. "Hay nako, Cel. Baka iniisip mo mga sweet moments niyo."
"Gago" Napairap ako at binato ang pat holder sa kanya.
I can't deny it, I do miss it. Kaya nga nagtataka ako bakit mabilis nag-move on. Our moments were magical, as far as I can remember, but I think his new sweet moments are much more?
"Psh. Miss mo lang talaga."
"Hindi ah! Nakaraan lang." Bulong ko.
He laughed. "Tignan mo! Puntahan natin?"
"Wag na! Masaya na yun." I said and looked away.
"Eto puro kalokohan." Sabi ni Daphne at binatukan si Emman.
Inirapan ko sila at tinulak na sila palabas ng kusina. "Sige na! Magluluto na ako! Labas na!"
"Psh, magre-relapse ka lang diyan eh." Sabi ni Emman at tumawa tawa habang naglalakad sila ni Daphne palabas.
Isang araw, nasa sala ako at pinagmamasdan ang mga outputs ni Priston. Gumagawa siya kanina umalis lang dahil may binili sa labas.
Ngayon ko lang naisip na ilang taon na ako hindi nag-aaral. Ni hindi ko nga alam kung naka-graduate ako sa PIS. Dapat ay 3rd year na ako sa college kung sakali. Pero hanggang ngayon di ko alam ano kukunin kong course.
"What are you looking at, Celestine?" Priston asked.
Napatingin ako sa kanya. "Wala lang, ano nga ulit course mo?"
"Culinary Arts. Same with Donna."
Napatango ako. "Madali lang?"
Natawa siya. "Madali kung gusto mo."
YOU ARE READING
Forget You
Teen Fiction(COMPLETED) After Celestine's death Blaze became cold as ice, he still hangouts with his friends, but doesn't open up with his problems. He always felt something is missing.. or someone is missing, which is her. One day, he unexpectedly saw a famili...