CHAPTER 37

143 7 4
                                    

Celestine's POV

A YEAR LATER TITA DANICE was rushed to the hospital. She collapsed at the garden. Luckily Paolo saw her and he called an ambulance. Tita was rushed immediately. Sumunod na lang kami nila Donna dahil nag-commute na lang kami.

Nakaupo kami ni Paolo sa waiting area. Kinausap daw ng doctor ang magkapatid.  I am worrying about Tita Danice, I hope she'll be okay. Hindi ko alam ano mangyayari sa magkapatid kung wala siya.

"Paolo, ano na nangyayari?" I asked him.

Naramdaman kong tumayo siya at naglakad siya. After a few minutes naramdaman ko na bumalik na siya sa tabi ko. I heard him gave an heavy sigh.

"Nasa loob parin si tita at kinakausap pa sila Donna. Don't worry, she'll be okay." He said.

I sighed. "I hope so.."

Hindi nagtagal dumating na din si Emmanuel. Bumalik na din samin sila Donna at sinabi na mukhang kailangan daw na mag-stay muna si tita sa hospital.

"H-hindi ko alam.. Si mama.. P-paolo.." I heard Donna crying.

"Sshh, everything will be fine. We'll pray for her health, don't worry." Narinig kong bulong ni Paolo.

"Tangina, dapat talaga 'di na ako pumasok! May kutob na ako eh." I heard Daphne.

"Daph, biglaan lang nangyari. Gagaling din si tita Danice. Don't worry." Emman said.

Hindi ako makapagsalita. I remembered tita Danice told me before. She's dying and doesn't want treatment. She'll give her eyes to me, but I can't take it lalo na mawawala naman siya.

Hindi ko alam, natatakot ako mawala siya. Ayoko mahirapan sila Donna at Daphne. How will I help them? Ano maitutulong ko? I mighty make things worst. I might-- I don't know.

"Celine, mukhang malalim iniisip mo." Paolo said.

"Si Tita.." I whispered.

"Magiging ayos din siya." Emman said.

My heart wasn't convinced. Mabigat pakiramdam ko. Hindi ko alam bakit ganito ako. I should think positive, but here I am  over thinking everything.

An hour had passed, tita Danice woke up. I thanked God for that, but sadly she can't be cured because she only have days left. She has cancer, like she said before. Kung noon daw ay naagapan hahaba pa sana ang buhay ni Tita.

Pinayagan kami pumasok at makausap si tita. Hanggang ngayon naririnig ko hagulgol ni Donna. Kahit ako naluluha, I didn't expect this to be so soon.

"M-mama naman, bakit 'di mo po sinabi?" Donna's voice broke.

"A-ayoko mag-alala pa kayo.. m-mas gugustuhin ko na kayo gumamit ng mga ipon n-natin." Tita said in her weak voice.

"Mama naman, 'wag ganito!" Daphne

"Anak, p-patawarin niyo ako.. na hindi ko sinabi. A-ayoko masayang lang sa pagpapagamot sakin ang mga pera natin. M-malabo na magamot ang sakit ko." She said.

"Mama.." Donna.

"Nandiyan naman sina Paolo, Emman at... Celestine, mga anak." She said.

Forget YouWhere stories live. Discover now