CHAPTER 43

120 9 8
                                    

Celestine's POV

LUMIPAS ANG MGA ARAW, habang kasama ko sila. Lalo akong nahihirapan itago kung sino ako. It was really tough as I lie in front of them.

Minsan nadudulas pa ako, mabuti na lang nagagawan ko agad ng lusot. Mabuti din hindi ako natatawag na Celestine nila Priston. Lalo na si Emman! Hilig pa naman niya mag-Celestine. Mabuti talata Cel at Celine lang.

Days with them are fun. I missed them. Nalaman ko din dahilan nila na bakit sila nandito. They are here for me. Si Iya na mismo may gusto. They only lied that they are here for the wedding.

Still, lie or not, okay din dito magpakasal. Basta business namin kunin nilang cater at cake, mas masaya ako. I mean, knowing my sister she wants something grand. Pagkakaiba nga namin.

Hindi ko maiwasan na magkaroon ng guilt. Tagal kong nawala. Tagal kong nagtago. Wala naman akong ginawang masama. Sadyang ayoko na ng gulo na dinadala ko. Tsaka masaya naman sila ah? Noong mga panahon na wala ako nakalimutan din nila ako. Sadyang nakita lang nila muli ako kaya heto.

Hirap din magtago kay Blaze, pero wala din nagbago sa kanya. Naninigarilyo pa rin. Naiinis lalo ako sa kanya. Sunog na siguro atay niya, tigas ng ulo.

Hindi ata pinipigilan ng asawa niya.

Speaking of his wife, hindi ko naririnig na pinag-uusapan nila na may asawa si Blaze. Alam ba nila or sadyang ayaw lang ni Blaze pinag-uusapan? Nagtataka ako na bakit hindi rin nila kasama. Hindi ba sila close?

I always see Blaze looking at me. I don't know what to do. Kinakalma ko sarili ko kapag nakikita ko nakatingin siya sa akin. My heart is beating so fast! Damn, I still have feelings for the asshole.

"You really like me, don't you?" Tanong ko isang beses sa kanya. I don't know what got in me. "You keep on staring at me, creep" I added and left.

I wanna curse myself as many as I can. Tarantado, may asawa yan. You like me? Talaga lang, Celestine?

Pero ano iisipin ng asawa niya?

I'm over thinking day and night, because of Blaze. I'm getting frustrated at myself even more. I'm lying to myself and to my siblings, ex boyfriend and friends.

I looked at the ring I am holding right now. I can still remember the proposal he gave me. It was really a bad timing. A life and death situation, but our love was strong. We fought against Cyrus.

Sadly, my bravery had come to an end. Hindi ko din gusto na perwisyo lang ako sa kanila. I sacrificed my happiness and love life for their safety, and I think that was the right thing I did. Maganda buhay nilang lahat.

Kaso ako, medyo miserable parin. Kahit na sabihin natin ngayon ay nakaahon na ako sa hirap sa tulong nila Priston.

Hindi naman ako nalalayo sa disgrasya. Nadidisgrasya pa nga ako minsan dahil sa kung ano ano nasa isip ko. Yung sugat sa batok ko, lumaglag yung rolling pin sa akin na nilagay ko ito sa taas ng cabinet. Nalulutang na din ako sa trabaho. Hangga't maaari ay maaga ako umaalis at uuwi na nga ako ng gabing gabi na.

Priston is getting worried for me. Hindi na niya din alam pinag-gagawa ko sa buhay. Nahihirapan na rin kasi ako sa sitwasyon ko ngayon. May pinapatakbo akong negosyo, nandito pa sila, tapos si Dominico pa.

Speaking of that asshole. I am so fucking tired of him. Binabayaran ko na, ayaw naman. Hindi ko na din maintindihan diyan. Mabuti nga nasa ibang bansa kundi ako kinukulit.

He's still texting me, but I just ignore him. Just give him bored answers and turn off my phone so he won't call me. Dinadasal ko nga na sana mag-asawa na siya doon sa ibang bansa, para manahimik na siya.

Forget YouWhere stories live. Discover now