Chapter 50: Better

102 2 0
                                    

Summer | Better

My first round of chemo was not the hardest part of that chapter of my life, it wasn't the transplant or the surgery either. It was the beginning of the journey that was most difficult -the moment I had to leave, the part where even 'goodbye' wouldn't go half passed my lips without having to choke on a sob.

Umalis ako ng Pilipinas matapos akong i-clear for travel. Pinagsabihan ko na si papa na ayaw kong makita si Kaiser sa araw na 'yon kasi alam kong isang sulyap ko lang sa mukha niya ay hindi na ako makakaalis pa.

'Di nga siya nagpakita no'n even when our flight was announced by PA system pero alam kong nandoon siya. I heard his footsteps from all the mixed noise at the airport. Ilang taon ko rin naman narinig ang mga yapak niya sa bahay, it was all too familiar.

He stopped a few feet away, I knew. Naramdaman ko ang tingin niya sa aking likuran habang naglalakad ako palayo. He was so close, close enough that if he yelled I would hear him.

Yet he didn't say a word.

Nanatili siyang nakatayo doon, ni imik ay wala akong narinig mula sa kaniya and that only made me cry harder. Gusto kong tumakbo but I wanted to feel his warmth one last time even from this far away.

I clenched my fist and I walked with purpose. Naglakad ako palayo sa kaniya para sa kaniya. Hindi siya umimik, 'di niya ako tinawag kasi alam naming ito ang nakakabuti para sa isa't isa.

Babalik ako, pangako. Babalikan kita, Kai. Sana hintayon mo ang pagdating ko.

At 'yon nga ang ginawa ko, nagpagaling ako sa States. Hindi ko na rin pinabisita si Kaiser dito because I knew he was busy with the company since it was officially handed down to him after completing his training under his dad.

But he never missed a day. Totoong nami-miss ko ang yakap niya, halik niya pero araw-araw ko naman naririnig ang boses niya kasi araw-araw itong tumatawag. He wouldn't miss saying 'I love you' either and it gave me so much hope that he'd be able to wait.

Alam ko na sa mga araw na hindi ko kayang mag-usap dahil sa sakit ko o dahil sa side effects ng lahat nang gamot na ininom ko, he'd call papa and pap would put him on loudspeaker for me.

Palagi siya nagtatanong kung kamusta ako, kung kumakain ba ako ng maayos. And even when he knows papa is in the room, he still says 'I love you,' much to my father's- well, hindi ko alam anong nararamdaman niya sa tuwing naririnig niya 'yon. The thought brings a smile to my face.

On days I didn't feel like talking, nagkwekwento siya tungkol sa nangyayari sa Pinas. Kung ano nang pinaggagawa ni Mads at kahit ni Matt -though he doesn't enjoy talking about him much.

Tumatawag naman sila once a week sakin, kaya nga alam kong nagsimula nang kumuha ng masteral si Mads eh. Kahit loka-loka 'yon, talino kaya no'n pero napapaisip din ako minsan paano niya makakausap ang mga kliyente ng masinsinan 'pag ganito pa rin siya ka-conyo.

Si Matt naman ayon, nagkakamabutihan na talaga sila ng fiancée niya. Nagkaroon pa nga sila ng engagement party noong nakaraan, si Mads dumala at magdamag nagreklamo sakin kung gaano ka-single ng life niya.

Meanwhile, si Halimaw naman... he's making a name for himself. His dad couldn't be any prouder. Ilang deals na ang na-close niya at isa na do'n ang pagpapatayo ng bagong mall sa Laguna kaya nga naging busy siya lately.

He seemed tired -no, alam kong pagod na pagod siya. Halata sa boses niya at sa panay na hikab. Pero patuloy ang araw-araw niyang pagtawag, kaya nga naaawa na ako sa kaniya eh. It's starting to make me worry.

Rinig ko na ito daw ang pinakamalaking deal nila kaya ilang araw na siyang puyat. Napapadalas din ang trips niya sa Laguna kaya tiyak na bihira siyang natutulog ngayon.

Married to an Asshole ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon