Kaiser | I Still Love You
Nakaramdam ako ng matinding guilt pagyapak ko sa labas ng bahay. Seeing her crying face, I almost decided to stay. Pero mas kailangan ako ng kaibigan ko ngayon.
Natulog ako sa penthouse ni France kahapon. Ang plano ay uuwi muna ako sa umaga habang may tinatapos ang dalawang gunggong tapos practice kami sa ulit pero tumawag si Chloe pagdating ko sa bahay. 'Di raw siya makakapunta kasi masama ang pakiramdam niya.
Paos pa nga boses niya at tila inuubo tapos may kalabog akong narinig kaya napagdesisyunan ko na puntahan siya upang bantayan siya. Mahirap nang madisgrasya siya ng mag-isa. I've known her long enough to be sure she's bad at taking care of herself.
Matagal ko na siyang kilala. We've been classmates for as long as I can remember. Kilala ko na siya noong 'di pa nagkahiwalayan ang mga magulang niya at ako 'yong naging sandalan niya nang time na nagkalabuan sila.
Her parents' marriage has been annulled for a long time and she lived with her dad in America after he took custody of her. Pagkakaalala ko sa kaniya, sobrang masiyahan. Siya pa 'yong pinakamalakas ang boses samin sa barkada.
Nakilala ko siyang noong titibo-tibo siya. 'Yong kahit sa paglalakad parang siga sa kanto, bukod sa pananamit niyang may signature baseball cap. Kaya nga nagulat ako nang umuwi siya dito eh.
She looked so different. Minsan suot niya pa rin naman ang cap pero ang hinhin niya nang maglakad at nakabestida pa. Despite her lack of feminine habits before, I liked her.
And I dated her.
In fact, I've liked her for quite some time, even before we became friends. Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na una ko siyang nakita.
Mahilig na ako sa gitara no'n at nakakatugtog na ako nang maayos. May kompetisyon sa school, 'yong vocal solo. Chloe played the keyboard and sang, unang verse pa lang, alam ko nang tinamaan na ako.
Though we only became friends when we were put together for a battle of the bands competition in 9th grade. Doon ko rin nakilala sila France at Tyler. We just clicked somehow kaya kami na 'yong naging magbarkada kahit natapos na ang university week ng school.
Nobody else understood me better than Chloe, besides my mom, of course. Alam niya 'yong iniisip ko kahit hindi ko pa sinasabi sa kaniya, and vice versa.
'Yon siguro ang dahilan kung bakit nagtagal ang relasyon namin ba halos walang malaking away. Hindi pagkakaintindihan, oo, pero 'yong away na isang buong araw, never.
The worst misunderstanding we probably ever had was before I confessed to her. Akala niya may gusto akong iba kaya iniwasan niya ako kasi baka daw 'di na ako makagalaw kasi isip ng mga tao sa school ay kami ang magkasintahan.
I tried to approach her over and over that time but she wouldn't even look at me. Nalaman ko na lang kay France nang nakainom siya na gusto daw ako ni Chloe at akala niyang nay gusto akong iba.
Ni hindi ko siya agad masabihan kasi ang bilis niyang mawala sa paningin ko sa school. Kaya pinuntahan ko siya sa bahay niya so she had no choice but to entertain me. And the rest is history.
Besides that, there was nothing else.
Everything was going great. At one point in my life, I even thought she'd be the one I'd marry in the future. Pero naghiwalay ang mga magulang niya because her mom tried to get her dad's insurance money. She was tried and sentenced for attempted murder and her dad took custody of her.
He decided na mas makakabuti sa kanila kung lumipat sila sa America, it was unexpected, hindi kami nakahanda. Driven by the rage of betrayal, her dad got their bags packed and tickets booked. Nasa airport na sila bago pa mag-sink in sa kaniya ang nangyayari.
![](https://img.wattpad.com/cover/49409342-288-k46661.jpg)
BINABASA MO ANG
Married to an Asshole ☑️
RomansaHanggang ano ang kaya mong gawin para matupad ang gusto ng iyong yumaong ina? Would you go as far as marry a complete asshole for her? Kakayahin mo bang tiisin ang masaktan ng paulit-ulit para lang mapanindigan ang pangako mo sa kaniya bago siya sum...