Chapter 9: Worse

314 13 1
                                    

Babala: Trigger warning! Ang chapter na 'to ay may maseselang tema. Dito lalala ang pangbu-bully, magpatuloy sa sariling diskresyon. Sa mga sensitibo o hindi komportable sa ganito, magpatuloy sa sunod na chapter.

Summer | Worse

Pinahid ko ang luhang kanina pang patuloy lang sa pagtulo sa pisngi ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, I look like a mess. My hair was all over the place, my hoodie was wet, my face was stained with tears, and my eyes looked dull and sunken.

Sa pagdating ko sa school ay hindi ako tinantanan ng mga kasama ni Lara. I was shoved to the ground, soiled by their beverages during lunch time, tripped a few times, and my things have been taken on multiple occasions. I even found my bag in the trash at some point.

Araw-araw ay lumalala at araw-araw din akong nanahimik. Baka kung pabayaan ko sila ay tatantanan nila ako, when I talked back it got worse, I had to cover up some bruises with makeup when the pushing became too harsh and the impact too painful.

I begged Matt not to do anything, not to touch me so he wouldn't be dragged along. Ayaw kong pagdiskitahan siya ng barkada ni Kaiser at matapos ng pagtulong ni Matt sa akin sa caf ay mas nagalit lang sila ni Lara, it's safer this way.

'Di ko kinakausap si Kaiser sa bahay, I avoided him at all cost, mag-iisang buwan na rin. That meant having meals in my room with the door locked. Hindi ko siya kayang harapin, all I see would be the monster incessantly torturing me outside the house.

I can't tell my papa, magagalit 'yon at masisira ang pagkakaibigan ng pamilya namin. My mom will be devastated if she was alive. Hindi ko rin masabihan sa school kasi makakarating ito sa papa ko, dagdag pang malaki ang kapangyarihan ni Lara sa school. Napahagulgol ako, it's becoming too much.

"Ba't mo 'to ginagawa sakin? Ano bang ginawa ko sa'yo," sigaw ko sa kaniya. Nursing the new bruise I got from the fall a few seconds ago.

Napatingin ako sa lalaking nasa likuran niya, walang emosyon sa mukha nito pera may kakaiba akong nakikita sa mga mata niya. Awa? Guilt? "Dahil gusto ko at dahil naiirita ako sa pagmumukha mo," hinagis nila ako sa pool sa tulong ng ibang quarterbacks. I had my phone in my pocket that time, I had to make up an excuse to ask papa to buy me a new one.

Hindi ako mahilig magsinungaling at masakit sa akin ang magsinungaling sa papa ko, but what choice do I have? "Okay, princess. Papadalhan na lang kita ng credit card, kawawa naman ang princess ko." Laking pasalamat ko lang na hindi siya masyadong nagtanong, lie after lie is hard to keep up.

Nanatili kaming magkausap ni Matt, siya ang naging sandalan ko sa mga panahong 'to. Naiyak ulit ako, hindi ko alam kung hanggang kailan ko dapat itong tiisin, kung kailan ito matatapos.

"Tabs," laking gulat ko nang kumatok siya sa pinto ng kwarto ko. Matagal ko ring hindi narinig ang boses niya, pero wala itong dinala kundi sakit sa akin. "Summer," tawag niya ulit, "I'm sorry." Sabi niya bago ako tuluyang nakatulog sa sakit ng katawan at pagod sa kakaiyak.

Anong magagawa ng sorry mo, Kaiser? Will your sorry stop them from torturing me every single day?

Pilit kong tinatago kay manang ang mga pasa ko, I finally put the make-up to use again —to cover my purple bruises. Minsan pasimple ko na lang inilalapit ang braso ko sa malamig na baso ng juice para kahit papaano, maibsan ang pananakit nito.

Nagulat ako paano ako tinulungan ni Kaiser sa araw matapos siyang kumatok sa kwarto ko. Kapag nandoon siya ay pinpigilan niya o tinatakot niya paalis ang ibang tao, it lessened the times I was attacked, but it didn't get rid of them, in fact, it only seemed to fuel their anger for me —lalong-lalo na si Lara.

I was roughly shoved into an empty classroom by a group of girls. By then I have been enduring their attacks for almost 3 months. Hindi naging madali pero buhay pa naman ako.

Narinig ko ang tunog ng stilettos niya sa sahig habang palapit siya sa akin. "Hindi ko alam anong ginawa mo sa boyfriend ko na bigla ka na lang niya tinutulungan pero I won't have it," galit niyang sabi. Nakahawak ang isang babae sa ilang hibla ng mahaba kong buhok.

My mother loved my long hair, bonding namin ang pag-braid sa isa't-isa, 'yong nga oras ng araw na nagtutulungan kaming magsuklay ay ang mga oras na hinding-hindi ko malilimutan.

Laking takot ko nang may kinuhang gunting ang isang kasama niya sa bag. Sumenyas si Lara sa kaniya at lumapit siya, dala ang gunting na halos kuminang sa bugso ng araw sa katalasan. "No, please," pagmamakaawa ko, if there's one thing about me that I actually like, it's my hair. It held so many memories for me so I loved it with all my heart. Kung gupitin ito sa hindi kumbensyonal na paraan, I just might lose the one thing that gives me even the slightest atomical confidence.

Pero sino ba ako para pakinggan nila?

I am no one, pero—

"Tama na," iyak ko. "Tama na, please "

sino ba ako ako para ganituhin lang nila?

Napasigaw ako dahil sa hapding nadama ko sa aking kamay, napasigaw ang ilang kasamahan ni Lara, clearly not expecting the blood that started to drip from the large laceration on my right palm.

Mabilis silang nagsilabasan, hinagis ang duguang gunting sa tabi ko. I clutched my wounded hand close to my chest, pushing it over my tattered hoodie to, hopefully, stop the profuse bleeding. Umiyak lang ako ng umiyak, ni lakas para makalabas para makakuha ng medikal na atensyon hindi ko magawa. My voice was rough, hoarse, and fading because of overuse —from crying and begging for them to stop.

Tinignan ko ang mga hibla ng buhok kong nakakalat sa sahig, ginupit nila ang buhok ko.

Sorry, mama. I wasn't able to take care of the hair you loved so much.

'Di lang 'yon ang sinira nila, kahit ang suot kong hoodie ay ginupit-gupit din. Alam kong gusto lang nila akong takutin at saktan, pero actually inflicting more pain than emotional —more than the pushing, more than the shoving— hindi parte ng plano nila.

Lumaban ako at gusto ko sanang ilayo sa buhok ko ang gunting pero malakas din siyang nakipag-agawan sa akin hanggang nahawakan ko ang blade at sa kamay ko ito nanuot.

Bumukas ang pinto at narinig ko ang malakas na sigaw ng isang boses na tumatawag sa akin.

Note: This is a really bad case of bullying, Summer will get her justice and more. Si Kaiser, kahit na may kasalanan siya sa una ay 'di mo masasabing nag-bully din siya kasi wala naman siyang ginawa. 'Yon nga lang, wala siyang ginawa. Minsan, even being the bystander makes us worse or equal to the bully, let's speak up for the marginalized. To be honest, this story was really light at first, but if Kaiser didn't do anything blatantly bad, I wouldn't be living up to the title. Kaiser is an asshole and this is just proof of it.

Another Note: May mga tao talagang ganiyan. May kaibigan ako, may kaaway siya, ayaw ng classmate namin sa kaniya dahil naiirita daw siya sa mukha ng friend ko, like what the heck? May teacher din ako noong elementary, na-bobother daw siya 'pag nagsasaliga ako kaya 'di niya ako pinapa-recite kahit graded 'yon. Wow lang ah, ibang klase rin talaga ang ibang tao.

Married to an Asshole ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon