Chapter 36: Promises

166 3 2
                                    

Summer | Promises

"Tabs!" Gulat na sabi niya. "Nandito ka na pala," agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Tabs, I want you to meet Chloe. Siya 'yong kaibigan sinasabing kong nakita ko sa Hawaii no'ng nagbakasyon tayo. Chloe, this is Summer, my wife."

Nabigla naman akong tumingin sa kaniya. Muntikan nang lumabas ang eye balls ko sa sobrang paglaki ng mga mata ko eh. It felt like my heart just skipped a beat. He introduced me as his wife.

I felt heat rush to my cheeks. "She is as pretty as you said she is!" Lumapit siya sa akin at nakipagkamay sakin. "I'm sorry for not looking so presentable, first meet pa naman natin. I'm Chloe, I like to think I'm this ass's best friend and also his bandmate, I play the keyboard."

"Nice to meet you, I'm Summer."

"Nakakain ka na ba?" Tanong ni Kaiser.

"Hindi pa," sabi ko sabay himas sa tiyan. Gutom na kasi ako, nakatulog ba naman ako ng ilang oras matapos himatayin.

"Sige, pag-iinitan kita ng pizza." Umalis naman siya para pumunta sa sala kaya naiwan ako sa kusina kasama si Chloe. At that moment, I pondered. This wouldn't be like those love stories where the best friend is actually in love with the husband, right? I mean, seriously, this is reality, it can't be that way.

"I can't believe you've put up with him this long," sabi niya habang tumatawa. "Bata pa lang kami, sakit na sa ulo 'yang si Aus kaya nga nang nalaman namin ng barkada na may asawa na siya, pinagdasal ka na lang namin eh."

Tumawa rin ako kasama niya, "Kahit nga ako nagulat na natiis ko siya eh. What was he like when he was younger?"

She looked deep in thought but the smile on her face never faded, "Hmm. Sa totoo lang, not so different from now. Mama's boy pa rin. Naaalala ko pa ang time na pinagtanggol niya ako sa bullies no'ng elementary kami tapos sinuntok siya. Ayon, tumakbo papunta kay tita. Pandak pa siya no'n ah, 'di ko nga akalaing tatangkad pala siya ng ganito eh. What's he like now?"

"Tama ka nga, mama's boy pa rin. 'Yon nga lang 'di 'yan nangtatanggol ng iba sa bullies kasi siya 'yong bully."

"I heard that!" Sigaw niya mula sa lagusan ng kusina. Lumapit naman siya sakin at binigay ang platong may iilang slice ng pizza. He wrapped one arm from my back to my shoulder and planted a kiss on my temple, "Gabi na, wala ka pang nakain."

"Teka lang, bigyan ko muna nga maipagpapalit si Chloe, jusko naman. Bisita nga binasa mo pa, ano ba 'yan."

"Ha!" Tinuro ni Chloe si Kaiser and mocked. "Ayon, kita mo. Lagot ka, binasa mo ang bisita."

"Shut the fuck up! Ikaw 'tong winisikan ako ng tubig eh. I just returned the favor."

"Anong returned the favor, gumamit ka kaya ng baso!" Napailing naman ako sa kanilang dalawa, parang mga bata naman 'tong mag-best friends na 'to.

"Magpalit ka na nga lang, pinapalaki mo pa 'yang bunganga mo eh. Tabs, 'di naman kakasya diyan mga damit mo, ding-ding kasi 'yan."

"Kaiser!" Nagulat kong sabi.

"Hoy, gago ka! Kung washboard ako, ikaw naman maliit ang bayag!" Napasapol naman ako sa mukha. Chloe looks poised and refined, I never thought I'd hear those words from someone who looked like that. Friends really do bring out a side of you other people haven't seen.

"Magpalit ka na nga at umuwi, double back!"

"Okay, break it up you two. Magrereklamo na ang mga kapitbahay sa ingay niyo."

Sumama naman si Chloe sakin papuntang kwarto. I scanned the closet for something that can fit her, "Ito siguro. Sakto na 'to."

"Salamat ah. Sorry, naabala pa kita."

Married to an Asshole ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon