Summer | Confidence
"Hey, you make bitaw my friend ha, I'll kalabit you— Ms. Pimples?" Magkasabay pa naming sigaw ni Mads sa babaeng kasalakuyang nasa harapan ko.
"The one and only," she said confidently, resting both hands on her hips.
Ms. Pimples, social media influencer. Nasubaybayan ko ang journey niya sa YouTube, 'yong tipong ugly duckling. Beauty guru siya at madalas ko siyang panoorin, 'di lang kasi entertaining ang panonood ng paglagay niya ng makeup, may kasama itong kwento.
Problema niya 'yong tigyawat noon at nahasa siya sa makeup kasi parati niya itong ginagamit para takpan ang mga pimples niya. The covered-up imperfections gave her confidence pero unti-unti niyang napagtantong hindi 'yon lakas ng loob. Pagsisinungaling 'yon sa sarili niya dahil alam niya duwag siyang harapin ang demons niya.
Kaya ayon, sinimulan niyang mahalin ang sarili niya, alagaan ang skin niya, at saan nanggagaling ang confidence niya ngayon? —sa kaalaman niyang naging malakas siya at maganda siya 'di dahil sa hitsura niya, kundi dahil sa puso niya, sa tapang niyang panindigan ang sarili, at sa pagiging inspirasyon sa mga katulad ko.
"Sorry for being so vulgar, 'di ko kasi napigilan ang sarili ko." Binaling niya sa akin ang atensyon niya, "Nanggigigil kasi ako sa'yo. Sorry, I happened to hear your conversation and what you said, beautiful lady, did not sit right with me." Sinenyasan niya kaming sundan siya papuntang isang malaking lounge, doon ay pinaupo niya kami sa sofa. "Do you mind me asking why you're here?"
Nagdalawang-isip ako kung sasabihan ko siya, but she was persistent at wala akong magawa kundi ang magkwento, "—kaya ayon, sabi ko gusto kong magbago para kalabanin sila."
She crossed her legs and readjusted her position, she sucked in her cheeks before saying, "First of all," lumapit siya sa akin at niyakap ako, "you poor baby. Are you alright?"
Halos hindi mag-sink in sakin na niyakap niya ako, this was Ms. Pimples in the flesh —hugging me! "O-okay lang naman po, nasanay na kasi ako."
Bumalik siya sa inuupuan niya bago nagsalita muli, "Second, you look absolutely amazing with your hair, and third, your drive is all wrong, that's why you feel this way."
"Ano po?" My drive is wrong? Anong ibig niyang sabihin?
"Nasa gym ka para kalabanin sila? That isn't how it works, do it because you want it. Gawin mo kasi gusto mo, hindi dahil sa kanila. Ngayon tinatanong kita, gusto mo ba talaga 'to?"
"I-I do, I want them to stop, pero gusto ko rin pahalagahan sarili ko, gusto ko ring magkaroon ng confidence—" sagot ko sa kaniya.
"Pero?" Dugtong niya, she clearly read through my sentence.
"—Pero hindi naman ako kagandahan, katawan ko pang balyena ang tawag nila."
"At dapat bang pakinggan mo sila? Sa tingin mo ba tama silang balyena ka?"
"Eh, baka oo, compared naman sa katawan nila at sa inyo—"
"Bitch, these are more plastic than those polluting the ocean," bigla niyang sabi, cupping her breasts. When I say confident siya at komportable sa katawan, to this extent 'yong ibig sabihin ko. "Your beauty, on the other hand, is more natural than my organic garden."
Agad naman itong tumango, "You know what, I'll give you a good trainer, siya bahala sa inyo sa routine niyo, okay ba 'yon? On one condition though," nagtataka namin siyang tinignan ni Mads, "no more self-degrading talk from you, Summer. Kung ikaw nagbigay lakas at tiwala sa sarili dito kay Madeline, kaya mo rin itong gawin para sa sarili mo."
"Yes, ma'am!" Sabi namin ni Mads.
"Teka, kunin mo 'to," inabutan niya ako ng brochure ng isang furniture store. "A friend of mine owns the store, maybe you can find a better mirror there because I can see more than what you see in yourself." Then she walked away, naiwan akong nakapako sa kinatatayuan.
"Alam mo, Mads, tama siya," malalim na nag-iisip kong sabi. Pauwi na kami ngayon at naka-concentrate ito sa daan.
"Mer, mahal kita and everything, but if you don't want us to die, make kausap me when we pass that wretched hole," napatawa na lang ako ako sa sinabi niya. Natatakot na itong maulit ang nangyari last week. Malapit na daw siya sa bahay niya nang tumugtog ang paborito niyang kanta sa sasakyan kaya nag-concert siya at 'di nakita ang malaking butas sa daan at ayon, 'yong ulo ng sasakyan niya pumasok sa butas.
"I thought I was mamamatay na. It was so nakakatakot, like I was suddenly cast in Final Destination," madrama niyang pagkwento.
"Ang laki laki kaya ng butas na 'yon, tapos may construction workers pa nakapalibot do'n ah, paano 'di mo sila nakita?"
"You won't believe the kamalasan. I dodged them, their equipment, but not the imburnal!"
"There, buhbye, imburnal, fuck you bitch, not today!" Sigaw niya na parang may kaaway talaga ito sa harapan. "So, what was it that you were saying?"
"Sabi ko tama si Ms. Pimples," pag-ulit ko habang natatawa sa kaniya, "dapat gawin ko 'to dahil gusto ko."
"And? Do you want this ba?"
"Siguradong-sigurado ako."
"Then let's do thi—s!"
Dali-dali akong pumasok ng kwarto, kung tama ang pagkalkula ko, sa oras na ito ay pauwi na si Kaiser galing bahay ng kaibigan at baka kalahating oras pa ito dadating kaya sakto lang 'yan para makakain ako at bumalik sa kwart—
Hindi ko natapos ang iniisip dahil sa biglang tunog ng sasakyang pumapasok sa garahe, what the fuck, ang aga niya yata. "Manang, paki dala na lang po ng pagkain ko sa kwarto salama—t!"
"Tabs—!" Rinig ko mula sa aking likuran. Ang tanga lang, bakit kasi sumigaw ako habang paakyat ng hagdan, mas napagod tuloy ako, galing pa naman ako ng gym. "Tabs, teka, mag-usap tayo," nasara ko ang pinto bago niya pa matapos akyatin ang hagdan at nakinig ako habang patuloy niya akong tinawag habang kumakatok sa pintuan.
Matapos ng ilang minuto ay umalis din ito kaya lumakad ako sa harapan ng full-body mirror sa kwarto. Hinubad ko ang suot kong hoodie at pinisil ang aking tiyan, "Fats, humanda ka na kasi magpapaalam na ang iilan sa inyo, you have been evicted from my hypodermis. You will be missed." Ilang taon ko din naman silang inalagaan, pinalaki, at kinolekta no, may attachment din ako sa kanila.
I sighed, with the rate of exercise kanina, siguradong makakatulong ito sa pagbabawas timbang ko. I only have to work on stamina, endurance, strength, flexibility —fine, everything para hindi naman akong mukhang nagpapawis na porkchop doon. "Jusko po, mukhang ready na akong prituhin, makaligo na nga."
Note: Be proud of your body! As long as healthy ka, wala kang dapat kawalan ng confidence sa iyong sariling katawan, sus.
![](https://img.wattpad.com/cover/49409342-288-k46661.jpg)
BINABASA MO ANG
Married to an Asshole ☑️
RomanceHanggang ano ang kaya mong gawin para matupad ang gusto ng iyong yumaong ina? Would you go as far as marry a complete asshole for her? Kakayahin mo bang tiisin ang masaktan ng paulit-ulit para lang mapanindigan ang pangako mo sa kaniya bago siya sum...