Summer | Movie Date
I gave myself a once over in front of my closet's full-length mirror. Ilang minuto na ba ako nag-aayos dito? Hindi naman ako nagpapalit ng damit, it's just that something feels out of place and I have the inkling feeling to check over and over. Baka may pinagtahiang kailangan kong gupitin, baka nakatayo pala ang iilang hibla ng buhok ko, baka gusot-gusot na ang suot ko. Overdressed ba ako? Hindi naman siguro, simpleng casual dress lang naman 'tong suot ko eh.
Nagsimula ako mag-ayos 2 hours ago and I still feel like I look wrong. Kaya and bago ko namang problema ay baka amoy araw na ako sa tagal ko nang naligo.
Napabalikwas na lang ako paalis ng kwarto nang narinig ko ang pagsara ng pinto sa kabila. "Handa ka na, Tabs? Ang bilis naman ata, you can take your time— wow." His eyes ran up and down my whole body once, "Y-you look, uhm," tumikhim siya, "beautiful."
At habang nabalot ng pula ang mukha niya ay naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi. He's never said that to me before, it feels kinda nice to hear it from him. "S-salamat at h-handa na talaga ako." Stuttering, Summer? What are you, a twelve year old who just talked to her crush? Veinte y dos ka na at kasal na sa kaniya! Ni hindi naman talaga 'to date at si Kaiser lang 'yan.
Pinagbuksan niya ako ng pinto hanggang sa kotse niya. Sa loob ay naging tahimik kami pero nabasag din ito dahil 'di ko mapigilang magtanong, "Bakit bigla kang nag-imbita sakin? Bakit 'di ang mga kaibigan mo?"
He shrugged but kept his eyes on the road and his hands on the wheel, "Kasi gusto kong bumawi sa'yo. Besides, is it so wrong for me to go on a date with my wife?"
"H-hoy, halimaw, anong pinagsasabi mo? Naka-drugs ka ba, ito na ba ang bago mong bisyo? Ibaba mo ako, ayoko maging kasabwat mo," sabi ko sa kaniya. Malay ko ba ito pala pinag-aawayan talaga nila ni Matt, drug dealer kasi ang isang 'yon (hindi confirmed pero parang tama naman sa inaasta nila, diba?).
"Tabs, hindi ako naka-drugs. Ano bang mali sa sinabi ko eh totoo namang asawa kita? Anong masama makipag-date sa'yo?"
"Tinatraidor mo ang girlfriend mo!"
"Wala akong girlfriend," sabi niya, halatang naaaliw sa pinag-aawayan namin.
"Ay, oo nga pala, girlfriends ang tamang—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang tinigil ang sasakyan. Malakas na bumusina ang kotse sa likod namin dahil sa pagkabigla, buti na lang ay nakatapak ito sa preno bago mabangga ang likuran namin.
Binaling ko ang atensyon ko sa kaniya, only to find him staring at me, "Gusto kitang makilala, Summer. I want to make us work."
Matapos sabihin 'yon ay nagmaneho na siya muli para maiwasang tuluyang magalit ang mga sasakyan na natraffic na sa daan. Habang ako, wala pa ring masabi upang masagot siya.
Was I ready to give it a chance? Did I even want to? More often than not, Kaiser has made me suffer directly and indirectly. Nilait niya ako, sinira niya mga gamit ko, at naging dahilan sa mas malalang bullying sa school.
Never kong naisip na ipagpatuloy ang kasalang 'to, once he gets his inheritance, I'd get my freedom. We're friends and that's enough until then. Long story short, we don't need to make things work.
But.
But he's been so nice lately. He's been making changes. Iba siya at nagsisiningaling ako 'pag sabihin ko hindi ko gusto ang bagong Kaiser. He seems sincere but I'm still skeptical and if we're going to be together for another 4 years and he remains this sweet, kind Kaiser then maybe, maybe he's worth giving a chance to.
![](https://img.wattpad.com/cover/49409342-288-k46661.jpg)
BINABASA MO ANG
Married to an Asshole ☑️
RomanceHanggang ano ang kaya mong gawin para matupad ang gusto ng iyong yumaong ina? Would you go as far as marry a complete asshole for her? Kakayahin mo bang tiisin ang masaktan ng paulit-ulit para lang mapanindigan ang pangako mo sa kaniya bago siya sum...