Summer| Ten of Swords
"How was your day?" Tanong ko sa kaniya, he plopped himself beside me on the couch.
"I met with a friend," he responded, resting his head on my lap.
Ngumiti naman ako sa kaniya. Nakapikit na ito at mistulang natutulog, "Oh, how was it?"
"Just like old times," there was a twinge of distance in what he said but I couldn't explain it. He just felt far away all of a sudden. Binalewala ko lang ito. "Ikaw? What were you up to?"
"Well, klase, alam mo na. Tambay sa library para mag-aral. Napatagal siguro ang paglakad ko kanina, ngayon lang nag-sink in sakin na sobrang laki pala ng East Wood, nangangalay na katawan ko," sagot ko at minasahe ang namamanhid kong paa. "Exams start the day after tomorrow and I've been studying since I got here. Kulang na lang pakuluan ko 'tong mga libro at notes ko para inumin na lang eh."
Ang hirap nga, ang dali ko pa namang mapagod ngayon tapos ilang araw na ako nagpupuyat kakaaral. Last na lang talaga 'to, huling kembot na lang! Pucha, parang ansarap na lang maging patatas sa susunod kong buhay.
"Kawawa naman ang Tabs ko. How can I help? Massage? Tsaa?" Sabi niya habang nakatingala sa akin mula sa pagkahiga niya sa kandungan ko.
"Hmm, BFF fries na lang ng McDo, masaya na ako," iniisip ko pa lang. Kung maging patatas man ako sa susunod kong buhay, baka gawin din akong french fries, ang sarap ko naman kung gano'n.
"BFF fries ng McDo it is," ilang beses siya pumindot sa screen ng cellphone niya bago ito muling binaba. "Nag-order na ako, habang wala pa 'yon, ako na lang kainin mo—"
"Ang gago!"
"Masarap naman ako ah!" Madrama niyang sabi at niyakap ako.
"Masarap mo mukha mo! Hiya ka naman sa kasarapan ng fries no."
Soon enough, lumipas na ang linggo ng exam namin and let me just say, kahit 'di na ipaalam ni sir ang score namin do'n ay okay na ako. Ayaw ko pong atakihin sa puso dahil sa numerong posible kong makita sa test paper.
Good news is though, wala na kaming ibang gagawin kundi ang mag-practice ng graduation. Napagdesisyonan namin ni Kaiser na kumain sa labas pagkalabas ng resulta ng MRI niya and when it finally did, nakitang walang abnormalities.
"Sabi ko sa'yong masamang damo 'to, diba?" He said, maneuvering his head to comfort on my lap.
"Mas mabuti nang sigurado tayo. Kasi kung may mali sa MRI mo, lintik ka, papatayin talaga kita."
Natawa naman siya sa sinabi ko, "Luh, bakit naman?"
"Kasi 'di mo sinabi sakin ang tungkol sa nangyari sa'yo noon. I could've taken better care of you, I should've watched out for signs or something. May karapatan akong malaman ang mga 'yon."
"Alam ko, alam ko. Hindi ko kasi naisip na babalik 'yon, didn't know it would bite me in the ass. Buti na nga lang walang mali eh."
"Bakit kaya sumakit 'yong ulo mo nang gano'n nang time na 'yon?" And, for a moment, a look of hesitation crossed his face. "May tinatago ka ba sakin?" Dahan dahan ko siyang pinaupo mula sa pagkahiga niya sa kandungan ko. "I understand that we're not obliged to tell each other everything but I was hoping that we'd tell each other if it's health related."
He scratched the back of his head and responded, "Naaalala mo ba no'ng sabi ko lumabas ako at nakipagkita sa kaibigan ko? Nakita ko siya no'ng nasa Hawaii tayo. Nakalimutan ko talaga siya noon at ngayon ko lang siya nakita ulit matapos siyang umalis ng bansa."
"Oh... gano'n ba? But that's great, right? Mabuti naman at nakipagkita kayo ulit, rekindle that friendship, you owe your friend as much matapos mo siyang kinalimutan, kahit 'di mo naman 'yon ginusto." Masaya akong nagkita sila muli ng kaibigan niya, though I do hope that this time 'di bad influence kagaya ng gagong palaging nag-aayang uminom sa kaniya. Hindi naman masama uminom ng paminsan-minsan, but at the rate they were going, they'd lose their livers before they're 40.
BINABASA MO ANG
Married to an Asshole ☑️
Roman d'amourHanggang ano ang kaya mong gawin para matupad ang gusto ng iyong yumaong ina? Would you go as far as marry a complete asshole for her? Kakayahin mo bang tiisin ang masaktan ng paulit-ulit para lang mapanindigan ang pangako mo sa kaniya bago siya sum...