Summer | After Hours (pt.2)
Never naman naging problema sa'kin ang pag-uwi mag-isa, okay lang din naman ang mag-commute eh. Thirty minutes lang ang biyahe at maganda naman ang dinadaanan ng jeep kaya enjoy ko rin ang oras ko pauwi. Minsan nagbabasa lang ako ng libro, minsan naman nakikinig sa music gamit ang phone ko.
Ngayong araw kasi, may makulit na kanina pa buntot ng buntot sa akin. Marahas akong humarap sa kaniya, "Matt, ano ba?" Napadabog na ako dito sa school parking lot, naiinis na talaga ako sa baliw na 'to, "Kanina ka pa, naii-stress na ako sa'yo," dahan dahan akong naglakad ng nakatalikod sa aking pupuntahan. Maya maya kasi, 'pag tumalikod ako, sundan nanaman, hays. "Diyan ka lang, 'wag kang gagalaw," this guy has brought me so many problems in one day.
Just when I thought the bullying in this school couldn't be any worse. Sanay naman kasi ako sa pagbu-bully ng mga kaklase ko, siyempre sa histura ko, hindi ako 'fit in' sa kanila. I wasn't one of the girls whom guys drooled over, I wasn't one to dress up nicely. I mean, let's face it, sa school lang naman ako pupunta, kailangan ba talagang mag-ayos ako? Kaysa naman sundin ko ang mga babae kong kaklase na ang yayaman naman pero hamak ang tela na sinusuot.
Wala naman kasing problema sa damit nila. If you feel beautiful in it, go ahead. If gagala ka, go ahead. Pero sa school na may dress code kami? Tapos papasesante nila ang teacher na bibigay sa kanila ng sanction dahil sa breach ng dress code? 'Di naman yata tama 'yon.
Kung pupunta ako sa school at mag-aaral na nakaupo lang sa desk ko for at least 8 hours in a day, I want to be comfortable. Kaya gaya sa bahay, malaking hoodie at jeans ang suot ko. Naii-stretch ko pa ang legs ko na hindi naco-conscious sa mga tao sa paligid. Kaya ayon, lagi akong pinagkakaisahan ng mga kaklase ko, idagdag mo pang binansagan akong pinakamataba dito sa building namin. Which to this day, I don't find necessary or entertaining in the slightest. 'Di ko maintindihan bakit nasisiyahan ang ibang tao na saktan ang kapwa nila, what is there to gain?
At ano naman kung madami ako pakainin? Ano naman kung 'di ako slim kagaya nila?
Nahiya naman kasi ako sa liposuction nila eh.
Hindi ko naman hinahayaang maltratuhin nila ako kaya sasagot talaga ako, pero mas kinamuhian nga lang. They never did anything dire, hanggang salita lang naman sila kaya panatag ang loob ko.
Pero dahil sa lalaking 'to, mas lumala lang ang sitwasyon ko. Every minute siguro may pumapatigil sa akin sa hallway just to threaten me.
As if naman ako ang sumusunod sa baliw na 'to. If you want this guy who seems to have just escaped an institution for the mentally-impaired, be my guest. I'd be more than happy to let you take him off my hands.
Hindi ko alam kung ano ang trip niya sa buhay at kung bakit ako talaga ang napili niyang gambalain. Basta dapat matakasan ko siya, mayamaya baka malaman niya pa na sa iisang bahay lang kami ni Kasier tumitira.
Jusko, baka spy pa 'to ng isang fangirl ng asawa kong halimaw. Pero ang gwapo niya naman para maging taga-sunod lang ng fangirl, oo gwapo siya kahit mukhang ewan siya sa kakasunod sakin -bahagyang naka-bend 'yong tuhod niya habang hawak ang kaniyang baba. Nakakakilabot.
Magsasalita pa sana ako ng bigla kaming nakarinig ng mga tilian at ang malalakas na tunog ng pagtama ng heels sa concrete. Before I knew it, dinumog na siya ng mga babae. Kumaripas na ako ng takbo palabas ng gate at sumakay na ng jeep pauwi.
Ang sayang talaga ni Matt, gwapo sana pero baliw naman. Nakakahinayang, I mean he's tall with a great figure; nag-gigym siguro regularly. Tapos, nasa light side 'yong skin niya pero 'di naman sa point na parang kukunin na siya ni Lord. Lagi siyang nakangiti, even his eyes look like they're smiling -have a little sparkle to them.
![](https://img.wattpad.com/cover/49409342-288-k46661.jpg)
BINABASA MO ANG
Married to an Asshole ☑️
RomansaHanggang ano ang kaya mong gawin para matupad ang gusto ng iyong yumaong ina? Would you go as far as marry a complete asshole for her? Kakayahin mo bang tiisin ang masaktan ng paulit-ulit para lang mapanindigan ang pangako mo sa kaniya bago siya sum...