Chapter 28: A Guitar and a Promise

142 4 0
                                    

Summer | A Guitar and a Promise

Napapikit ako pero hindi lumapat ang mga labi niya sakin like I thought it would after today's, well, yesterday's events. Ni hindi pa nga pala namin 'yon napag-usapan eh! Instead, I felt his arms wrap around me in a warm embrace.

I felt all the well-defined muscles on his chest when he closed the gap between us and his breath on my ear made my hair stand on end.

"Hindi mo alam gaano ko nang katagal gustong gawin 'to kanina but your cousins seemed to have every excuse to take you away from me," pagmamaktol niya.

Napatawa naman ako sa mala-bata niyang pagsimangot. "Ikaw din naman ah, okupado ng mga pinsan mo ang atensyon mo kanina."

Naramdaman ko ang paghigpit ng pamumulupot ng mga braso niya sakin. "We have all the time now." Hinila niya ako papasok sa kwarto niya kung saan nakita ko ang pagtingin niya sa gitarang pinuwesto ko malapit sa nightstand. "Paano mo pala naisipang ito ang iregalo sakin."

Kinuwento ko sa kaniya ang dahilan, 'yong pagdala ng mommy niya ng mga albums at mga litratong nakita ko doon. Mukha namang 'di siya nagulat sa mga sinabi ko. "Hindi ko alam tumutugtog ka pala. How come hindi ka nagdala ng gitara dito sa bahay natin?"

Kinamot niya ang kaniyang batok, an unsure look crossed his masculine features, "Maniniwala ka ba kung sabihin ko sayong nakalimutan ko kung paano?"

"Ha? Hindi no! Kahapon nga bumaba ako para uminom ng tubig pero pagdating ko sa baba 'di ko na alam kung bakit nando'n ako eh. Nag-assume na lang ako na 'yong crinkles na binili mo para sakin ang gusto kong kunin. Siyempre baba ulit ako kasi tuyo na pala bibig k-"

Tumigil ako nang mahina siyang tumawa. Doon ko na lang napagtanto na ang dami ko pala biglang sinabi, dahilan para yumuko ako at tumikhim. "Cute mo, Tabs." Mas lumala lang ang pag-transform ko sa kamatis kaya hindi na ako nagsalita. "Matagal na raw akong tumutugtog. Sabi ni mama, bata pa lang ako, alam niya nang tutugtog ako balang araw. Kasi habang ang ibang bata sa toy store daw humhingi ng sasakyan, truck, at bola, mas interesado naman ako sa instrumentong nakikita ko sa music shop sa harap ng Toy Kingdom. Kaya binilhan niya ako ng maliit na gitara. When I got older, she said I was firm with her, I didn't want a teacher because I was determined to learn by myself. 'Di ko nga alam bakit, baka bata pa lang, gago na talaga ako."

Napatawa naman ako sa komento niya. I didn't know this about him, I just never thought- I never imagine Kaiser to be the type... then again I barely know him and I've been married to him for a year and a few months now. "Natuto naman daw ako, pero matagal na ako 'di nakatugtog o nakahawak man lang ng gitara. Halos tatlong taon na siguro."

Magtatanong pa sana ako kung bakit tumigil siya sa pagtugog pero bigla siyang tumayo at lumakad palapit sa gitarang regalo ko sa kaniya. Tumigil siya sa harap nito and, for a moment, just looked at it and ran a finger over the strings. Mistulang sinasanay ang sarili niya sa paghawak nito. Kinuha niya 'to sa stand at umupo na sa kama niya. He pat the space beside him, urging me to sit down and it took me a few seconds to follow. Ito kasi ang unang beses na pumasok ako sa kwarto niya.

Kahit noong kakabili pa lang ng bahay na 'to, never ako nag-dare na pumasok kasi, siyempre, ayaw kong makita ang dating-halimaw na Kaiser. It's surprisingly clean for someone who has stripped to his babysuit in the middle of the staircase, leaving his garments behind (alam niyo, 'yong boxers na ginuhitan ko at nilagay sa likod ng sasakyan niya). It's painted grey with some hints of blue sa iilang fixtures, it has a masculine look, kahit ang amoy nito; ang cologne na palagi niyang ginagamit.

Married to an Asshole ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon