Chapter 14: Secret Friends

278 10 0
                                    

Summer | Secret Friends

Maaga akong nagising sa sunod na araw, para masiguradong may sapat kami na oras makapag-usap at byahe papuntang school. Naglakad ako sa kusina, masayang sinisinghot ang luto ni Manang Sonia.

"Manang, sobrang sarap naman yata niyang niluluto niyo." Nakangiting tumalikod naman siya para makaharap ako pero laking gulat ko na lang nang bigla niyang nabitawan ang hawak na spatula.

Surprisingly, Kaiser was up early too and he was in the kitchen before I got there and he has was making the exact same face Manang was. Pota, ang aga aga, may multo ba sa likod ko?

My face turned sour as I turned around, nagdadasal na mabait 'yong kung ano man ang nasa likod ko. Diyos ko po, maawa po Kayo. Si Kaiser na lang po ang kainin ng multo, para halimaw vs halimaw sila.

Nagtaka naman ako nang biglang tumawa ang halimaw sa aking likuran, "Anong pinagdadasal mo diyan? Walang multo, Tabs. As much as I want you to explain halimaw, mas mabuti sigurong i-explain mo anong pinanggagawa mo these past 2 months bago atakihin sa puso si Manang Sonia."

And it hit me, suot ko ang high-waist skinny jeans at hanging shirt na binili namin ni Mads kahapon. "Ah eh, chajan, surprise?" Ang galing mo naman, Summer Drie.

Chajan surprise talaga ah, the smartest you could come up with?

Being put on the hotseat might give me hives, kalahating oras ko nang pinapaliwanag ang ginawa ko. 'Yong pagpunta sa gym, temporary transfer sa online college, at kung bakit.

"Sa totoo lang, ideya 'to ni Mads, pero hindi ko naman pinagsisisihan. I do feel better about myself and healthier," I adjusted my glasses to avoid eye contact. "Siguro naman 'pag may confidence na ako sa sarili ko ay kakayanin ko na ang mas panindigan ang sarili ko at labanan sila."

I had to suppress a giggle nang sinamaan ng tingin ni Manang Sonia si Kaiser. "Naku, ikaw na bata ka, indi ko alam anong gagawin ko sa'yo."

Sa lahat na nangyari, ang mas nagpagulat sa akin ang ginawa niya. He pat my head and smiled, 'yong ngiting parang proud siya sakin. "I'm sorry, kasalanan ko kung bakit nila ginawa 'yon sa'yo. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa. It felt good at first until I saw how horrible it got. I— honestly, hindi ko alam kung anong sasabihin ko, nothing I can say can change anything I've done or what happened." Patuloy siyang humingi ng tawad sa lahat ng pagsigaw at panlalait niya sa akin.

"Kaiser, alam kong dalawa tayo ay naipit lang sa kasal na 'to at wala sa atin ang may gusto sa nangyari. If we can't make this marriage work, let's at least be friends or be civil with each other." If we're lucky, maybe someday papayag ang parents mong ipaghiwalay tayo.

Tumango siya, "No more bullying, hindi na ako magpapaka-gago. Friends, Tabs?" Lumaki ang mga mata niya sa lumabas sa bibig niya. Tabs, ang nickname na mistulang hindi niya mabitawan. Habits do die hard at kahit lait noon sa akin 'yon, ngayong magiging magkaibigan na kami, I don't see why it's so bad. "Sorry," he scratched the back of his neck, "I got used to it."

"Basta hayaan mo akong tawagin kang 'halimaw,'" I proposed, offering my hand to him like this was some sort of business deal.

"Sige ba," sagot niya at kinamayan naman ito. Napangiti ako, mabuti na 'to kaysa parang mga hayop kaming away ng away. Nakatira kami sa iisang bahay, if we can't be a couple, hindi ko naman inaasam na magmahalan kami ng halimaw kaya hindi ito problema, friendship is the next best option.

Laking gulat ko nang inalok niya akong makasabay sa school kasi medyo male-late ako kung mag-commute pa ako. Ang bilis naman yatang nag-level up ng friendship namin, not that that's a bad thing.

Married to an Asshole ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon