Summer | After Hours (pt. 3)
Nagising ako sa umaga ng ingay na pilit kong tinatakasan kagabi. Aba't 'di pa sila nakontento, parang hindi na nga ako nakatulog ng maayos. Ang kakati naman nilang dalawa, naku, 'de ke ne telege nekekeye.
Halos maiyak ako nang nakita ko sarili ko sa salamin. When I thought wala na akong ikakapangit pa, meron pa pala. Ilang layers ng eyebags 'to? Ilang kilo na kayo?
Padabog akong lumabas ng kwarto matapos maligo. Malakas ko pang siniraduhan ang pinto ng kwarto ko, baka kasi marinig nila at tigilan na ang kakasira ng umaga ko. I should get his room sound proofed, mamamatay ako sa kulang sa tulog 'pag nagpatuloy pa 'to eh.
I found myself standing outside his room, at sobrang lapit ko na talagang kumatok. I was so close, but the thought of any of the two of them opening the door with their nakedness made me run to the stairs before I get any other ideas.
Naglakad ako pababa ng hagdan habang sumisigaw, hoping I can muffle their voices, "Bacon Pancakes. Making Bacon Pancakes. Take some bacon and I'll put it in a pancake. Bacon- bacon!" Napatigil ako sa concert at bilisan ang pagbaba nang naamoy ko ang siguradong masarap na luto ni Manang.
Malapit na ako sa dulo ng hagdan nang nadulas ako sa kung anong nakakalat sa sahig. Napahagod ako sa pwet ko matapos tumayo sa aking posisyon sa sahig. Aba't kakalinis lang namin ni Manang nang weekend ah, sa ano ako nadulas?
Hinanap ko ang dahilan ng masakit kong likuran. Paano ba naman hindi sumakit matapos kong mistulang nag-bounce ng ilang beses bago napatigil sa kinakaupuan ko kanina.
Damit nila ni ateng may problema sa pag-iisip at Halimaw pala ang nadulasan ko, aba atat na atat sila kagabi ah. Tinapon at iniwan ba naman dito, 'di na nahiya kay Manang. I sighed and took a whiff of the good savory smell of bacon again, I just don't understand how a monster like Kaiser could exist along a beautiful thing like bacon. It just doesn't make any sense!
Pinulot ko ang marurumi nilang damit at tinapon sa labahan, aalis na sana ako para kumain sa kusina pero napatigil ako ng mahagip ng aking nga mata ang puting boxers, which just happens to be on the top of the pile. Dali dali ko itong kinuha at tumakbo sa kwarto ko, linagay ko sa ibabaw ng dresser at inukay na ang drawer.
"I just knew you'd be useful someday," nakangiti kong sabi sa lipstick na binigay ni Mommy Aubrey. "Ano kaya ang magandang isulat?" It was a whole canvas, I could draw anything on its white surface, but it has to be unique, it has to be genius -it has to be something that will stop people in their tracks and bring Kaiser great embarrassment. "I got it!"
Tinignan ko ang aking masterpiece, halos maiyak ako sa ganda nito, it might just be the simplest yet the most beautiful thing I've ever made. Pahid luha. Humanda ka, Kaiser. Kumuha ako ng sticky note at sumulat, "Kabayaran 'to sa eyebags ko. Quits na tayo," ginuhitan ko pa ng hitsura ko na may peace sign bago dinikit sa loob ng boxers niya. Then I hot glued it on the back of his license plate, ate my breakfast, and literally skipped to school. Ang galing mo talaga, Summer Drie. Nakakaproud lang.
Umupo ako sa dulo na upuan ng jeep at napa-imagine ng reaction ni Kaiser once nakita niya ang bago kong artwork. 'Di naman bago sa kaniya ang mga gawa ko, may mga paintings akong naka-frame sa hallway ng bahay namin. Last week, I painted a beautiful house on a hill -ang pinapangarap kong bahay. Mula noong bata pa ako, gusto na talaga namin ni mommy na bumili ng bahay sa bundok, kung saan maganda ang tanawin at malinis ang hangin. Ang malungkot lang ay no'ng nakabili na si papa ng lupa ay naospital si mama.
"Thank you. Oo, sigurado akong magugustuhan ng mag-ina ko ang lokasyon," rinig kong sabi ni papa sa telepono. Nasa likod ako ng pinto, I'm sure he would have wanted it to be a surprise, but I couldn't hold in my excitement. Napatili ako ng marahan at tumakbo papuntang library kung saan nagpapahinga si mama.
"Ma, he got the lot- ma?" Dinala siya sa ospital that day at doon tuluyang binawian ng buhay.
Hindi na nabili ni papa ang lote kasi halos 'di na siya umalis ng opisina, trabaho siya ng trabaho no'n kasi ayaw niyang maalala ang masakit na katotohanang wala na si mama. I wanted to lock myself in my room too, but I did my best to be strong for him. I cooked his meals and made sure na kumakain siya ng tatlong beses sa isang araw. Hinanap ko 'yong bumebenta ng lote when my papa was able to recuperate from the loss, pero sabi niya nang hindi nagpakita si papa sa signing ng kontrata ay binili ito ng iba. To this day, I have been trying to find the person who bought the land at plano ko sanang bilhin gamit ng ipon ko, pero hindi ko siya mahanap.
Napatanaw ako sa mga ulap sa langit, ipapatayo ko talaga ang pangarap natin, ma, someday...
The day was relatively uneventful, puro klase lang at tumatambay lang ako sa library 'pag vacant. Tahimik ang paligid kasi iilan lang naman kami ang tao sa loob, pero 'di nagtagal ay umingay na kasi patakbong pumasok ang lalaking pilit kong iniiwasan.
"Excuse me," pabulong na babala ng matandang librarian. Kumuripas ba naman ng takbo at bigla bigla na lang nagtago sa likuran ko si Villarin. Ngumiti lang ako, bahagyang yumuko, at humingi ng paumanhin sa librarian namin. Teka nga, 'di ko kilala 'to, bakit ako nag-sosorry para sa kaniya?
"Hoy, sira. Ano na namang kabaliwan 'tong pinanggagawa mo? Umalis ka nga diyan," pabulong kong sabi ko sa kaniya. Kinikilabutan kasi ako sa hininga niyang nararamdaman ko sa leeg ko.
"Where have you been? Hinahanap kita kanina pa matapos ng klase natin, tumalikod lang sandali, tapos bigla ka na lang nawala," pagmamaktol niya.
"Aba- at bakit naman kailangan ko talagang magpakita sa'yo? Ano ba kita?" Loko 'to, kasalanan ko pa eh, ano ba ang responsibilidad ko dito?
"Hala, suplada," akma ko siyang sasampalin nang mabilis niyang hinawakan ang pulso ko, "look, sorry. I just need you to hide me."
Napatayo ako sa inuupuan ko at napasigaw, "Sabi ko na nga ba eh! Sindikato ka no? Naku, 'wag mo kong idamay diyan. Ayoko pang mamatay."
"Ms. Reyes, kung mag-iingay lang kayo ng boyfriend mo dito ay makakalabas na kayo!" Galit pero pabulong pa rin na sabi ni Ginang Cruz.
"Sorry po, Ginang." Halos may lumabas nang usok sa ilong ko pagtalikod ko sa takas mental na 'to, "Leave me alone, Matt. Pramis, 'di ako interesadong sumali sa business mo ng drugs."
"Hindi ako sindikato, naku naman, Mer," magpro-protesta sana ako na 'wag niya akong tawagin no'n kasi 'di kami close pero pinili ko na lang makinig sa sasabihin niya. The sooner he finishes talking to me, the sooner na makabalik ako sa binabasa ko. "Kanina pang may mga sunod na sunod sa akin na mga babae, sinundan ako hanggang labas ng CR. Ginawa ko na lahat para maiwala sila pero nahahanap at nahahanap talaga nila ako."
"Oh, at ano naman magagawa ko do'n? 'Di ko naman mama-magic away 'yang problema mo, anong gusto mong gawin ko?"
"Easy, be my girlfriend."
"Ano?!"

BINABASA MO ANG
Married to an Asshole ☑️
RomanceHanggang ano ang kaya mong gawin para matupad ang gusto ng iyong yumaong ina? Would you go as far as marry a complete asshole for her? Kakayahin mo bang tiisin ang masaktan ng paulit-ulit para lang mapanindigan ang pangako mo sa kaniya bago siya sum...