Summer | Secret Friends (pt. 2)
"Ahem," rinig naming tikhim matapos ang tunog ng pagbukas ng pinto. "Mr. Santiago, 'di lingid sa kaalaman ko ang mga ginagawa mo dito sa paaralan pero dahil anak ka ng isa sa malalaking share holders dito, binibigyan kita ng pagkakataon kasi 'yon ang gusto ng mga magulang mo pero 'wag mong namang idamay si Ms. Reyes sa mga kalokohan."
Nag-usap kami ng panandalian ni Sir Geordo dahil nagmamadali ito para sa isang program sa isang college dito sa East Wood. Pinasalamatan ko siya sa pagpayag niya sa pag-transfer ko ulit sa regular na klase at sinabihan niya naman ako na nagagalak siyang bumalik na ako.
Papaalis na sana ako at pupunta sa cafeteria nang namataan ko si halimaw nakatayo sa dulo ng hallway, nakasandal sa isang pillar doon. Dadaanan ko lang sana siya, thinking our whole conversation was over. After the awkward ordeal we found ourselves in just moments ago, I don't really want to face him, especially when I already imagined playing tongue-hockey with him. Putangina, ang laswa, pakidilagan po ang utak ko, sobrang tuyo na po, uhaw na uhaw.
"I broke up with her ages ago, sa totoo lang, we were nothing serious. Don't worry, she won't bother you anymore," kaya pala umiiyak si Lara nang nagkabangga kami kanina. Poor girl, she fell for the monster's charisma. At the same time, karma niya 'yon kasi maitim ang budhi niya. Charot, ang sama ng sinabi ko pero totoo ng slight lang.
I don't know what compelled him to tell me that but I thanked him anyway, "Thanks." What else was I supposed to say? "Oo nga pala, bago ko makalimutan. Medyo late ako makakauwi mamaya kasi dadaan ako sa bahay para bisitahin si papa," I said as softly as I possibly can.
Tumango lang ito kaya dumiretso na ako sa pupuntahan pero napatigil ulit nang nagsalita siya, "Hintayin kita sa parking lot, samahan na kita doon." Nang tumalikod ako, wala na siya kaya hindi man lang ako nakatanggi. What's gotten into him? Apologizing was strange enough and now this? May sakit ba 'yon? Is he dying kaya he's trying to atone for his sins? Okay, morbid but it still is a peculiar thing to see him so— so nice, for some reason.
Takot ba siyang isumbong ko siya kay papa? Hindi ko naman gagawin 'yon kasi tiyak na magagalit ito at 'di 'yon gusto ni mommy, kahit din naman ako. Besides, magkaibigan na kami, I'd rather not be on his bad side again. We all know how that turned out for me.
Tulad ng sinabi niya kanina ay nasa parking lot siya, naghihintay sa pagdating ko. Madaming tao ang nasa paligid at hindi ako sigurado kung walang bahala akong lalapit at papasok sa sasakyan niya, magsu-summon ng inner Naruto ko, o maglakad na lang papuntang gate. While I was busy pondering which decision would benefit me best, may lumapit na isang babae sa kaniya. Hindi ito si Lara o alipores nito. Matangkad at parang modelo tignan, ganitong-ganito ang tipo ni Kaiser. 'Yong mga pwedeng maging cover sa magazine.
Halimaw 😈
+639660912983 Philippines8/29/2016 Mon 5:23 PM
Kuha na lng ako ng Grab
papuntang bahay, sasabihan
ko na lng si papa na may
klase ka pa. Mukhang busy
ka naman kasi.Tinignan ko sila mula sa malayo, 'yong layong makikita ko pa rin sila kahit malabo na mga mata ko. Huminto sila sa paghahalikan at kinuha ni Kaiser ang phone niya sa bulsa. Tumingin-tingin siya sa paligid hanggang nagtama 'yong tingin namin, binasa niya ang text pero hindi ito nagreply agad. Binaling niya ang atensyon sa babaeng kasama kaya nagsimula akong maglakad papuntang exit gate pero naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking phone.
Halimaw 😈
+639660912983 Philippines8/29/2016 Mon 5:26 PM
No. I'll take u there.When I looked up, I realized the lady left and he was alone again. Nakataas ang isang kilay nito, parang pinagbabantaan akong suwayin siya. I sighed, replying to his text, inevitably defeated.
BINABASA MO ANG
Married to an Asshole ☑️
RomanceHanggang ano ang kaya mong gawin para matupad ang gusto ng iyong yumaong ina? Would you go as far as marry a complete asshole for her? Kakayahin mo bang tiisin ang masaktan ng paulit-ulit para lang mapanindigan ang pangako mo sa kaniya bago siya sum...