Summer | Scared
It was a Thursday when I went to the doctor. At inaamin kong natatakot sa maaaring maging resulta ng check-up na 'to. Nanginginig na ang mga kamay ko kahit paalis pa lang ako ng bahay.
Alam ni Halimaw na pupunta ako ngayon sa doktor, he even offered to accompany me, pero sinabihan ko siya na 'di na kailangan para makaiwas na pag-alalahanin siya when there isn't a concrete diagnosis yet. I don't want to needlessly worry him.
"Good afternoon," sabi ng doktora, without looking up from the chart she's reading.
"Good afternoon po, dok."
"So Mrs. Santiago?" Sabi niya sabay tingala mula sa hawak na papeles at nagulat nang makita ako, "Didn't expect someone very young," she smiled. "Married early?"
"Opo," I awkwardly smiled.
"So what seems to be the problem?" Tanong niya, clicking her pen.
"Ni-refer po ako rito nang medtech doon sa lab kasi dalawang beses na pong mababa ang hemoglobin count ko."
"Ah, gano'n ba? Dala mo ba ang mga resulta ng tests?"
"Opo," inabot ko naman ang mga papel sa kaniya. "Mga isang linggo po ang pagitan nila."
Ilang segundo niya ito sinuri bago muling nagsalita, "Mababa nga ang 8 at 7 g/dL." Binaba niya ang hawak sa mesa at tinignan ako sa mata, "Ano ang nararamdaman mo? Better yet, balik tayo sa simula. Bakit ka nagpaCBC."
Kinuwento ko naman sa kaniya ang nangyari sa booth hanggang sa sinunod ko ang suhestiyon ng medtech. "Nahihirapan lang ako huminga minsan tapos palagi po akong inaantok."
Tumango siya, "May gamot ka bang ininom para dito?"
"Nag-iron supplements po ako tapos Vitamin C kasi mas makakatulong daw 'yon magkasama."
"Tama. Pero ito pa rin ang resulta? Parang mas bumaba pa nga." She fiddled with the pen between her fingers, "Nagka-anemia ka na ba noon?" Tanong niya.
"Opo, sobrang irregular po ng period ko noon. Minsan lang dumadating pero sobrang daming dugo."
"May ibang sakit ka pa bang dinanas noon on kahit anong rason para i-admit sa ospital?"
"Asthma po at allergies, maliban po doon, wala naman po."
Sinulat niya ang aking sinabi sa chart ko, "Simpleng health history lang ang ginagawa natin ah, Mrs. Santiago. Kailangan ko lang makakuha ng impormasyon tungkol sa'yo," tumango ako sa kaniyang sinabi. "Ano ang sakit na tumatakbo sa pamilya mo or mga kundisyon na naging dahilan sa kanilang pagkamatay?"
I gulped. I knew this question would pop up sooner or later pero kahit ilang beses kong pag-isipan at paghandaan ang sagot, agad naman itong mabubura.
I held back.
Sinabihan ko siya ng lahat ng sakit na maalala ko, mula tita at tito kong may high blood hanggang sa mga mat diabetes, saving for last the one I dreaded most. 'Yong humahawak sa, by far, pinakamasakit na naramdaman ko saking buong buhay.
I took one deep breath before speaking, "Ang mama ko po. Namatay dahil sa cancer sa dugo."
"May sintomas ka ng iron-deficiency anemia, 'yon nga lang 'di tumaas matapos ng isang linggo ng iron supplements, wala naman ang menstruation mo. Kaya ito ang gagawin natin, we'll run tests to rule out every possible ailment until we get a diagnosis. Okay lang ba 'yon sa'yo?"
Mabilis lang ang mga naging tests, nagawa ang kalahati within the same day. Dr. Suarez was able to rule out anemia all together, kidney diseases, and gastrointestinal abnormalities, with second opinions from her colleagues.
![](https://img.wattpad.com/cover/49409342-288-k46661.jpg)
BINABASA MO ANG
Married to an Asshole ☑️
RomansHanggang ano ang kaya mong gawin para matupad ang gusto ng iyong yumaong ina? Would you go as far as marry a complete asshole for her? Kakayahin mo bang tiisin ang masaktan ng paulit-ulit para lang mapanindigan ang pangako mo sa kaniya bago siya sum...