Una

54 4 6
                                    

Laro
By Bb. Alicia
...

Magsimula tayo noong bata pa.
Sapat na ang tumbang-preso, piko, takbuhan, taguan para maging masaya.
Nasa tamang daan habang hawak ang kamay ng isang ina.
Tumakbo, nadapa, umiyak, bumangon.
Tinulungan ng magulang na umahon sa pagkakalugmok sa lupa.

May tagapahid ng betadine sa tuwing nadapa.
Umiyak man ay may nakaantabay na panyo sa mukha.
Sermon ay hindi alintana,
Mas magandang sermonan kesa hayaang mag-isa.

Tuwid pa ang daan, malinis pa ang kalsada.
Hawak ang kamay ng isang ina,
Sa bawat hakbang ay may nakaalalay sa mga paa.
Gano'n nga yata kapag bata ka pa.


LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon