Ikalima

22 4 3
                                    

Pagtatapos ng elementarya
By Bb. Alicia
...

Walang gusot ang bestida,
Pinatungan ng puting toga.
May ngiting hindi matatawaran sa mukha,
Kalakip ng maayos na pustura.

"Graduates of S.Y 2015-2016."
Umalingawngaw ang boses ng maestra,
Sinasambit ang mga pangalan ng estudyanteng meron o walang nasungkit na medalya.
Binigyan ng sertipiko ng pagkilala,
Ang ilang taon sa elementarya ay nagtapos na.

Hindi pa man nakakalahati sa paglalakbay.
Ang dulo ng kalsada ay hindi pa tanaw ng tunay,
Diretso pa naman ang daan,
Wala pang kaliwa't kanang tumutunghay.

Hindi pa naman delikado,
Hindi na mahigpit ngunit hawak pa ni ina at ama ang mga kamay.
May ilaw pang gumagabay kahit paano,
Hindi pa nakakatakot dahil may mga nakaalalay.

LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon