Ikalabing-anim

13 2 0
                                    

Ulit ulit; Pabalik
Bb. Alicia

Sa tuwing pilit nilulunok ang nagkukumahog na hikbi,
Sa tuwing pilit nilalabanan ang bumabagsak na luha,
Sa tuwing pilit niloloko ang sarili na kaya pa,
Sa tuwing pinipilit,
Mga letra na nabubuong tula ang wakas.

Ano ang dulo ng bahaghari?
Ano ang dulo ng makulay na ipininta?
May kayamanan bang ginto?
O tulad lamang ng imahinasyong mahika?

Isang pulang rosas na nakakahalina,
Malalim na sugat ang dala.
Hawakan nang hindi sinasadya,
Dugo ang aagos mula sa mata.

Ngayon lamang napagtanto,
Mas masaya pa lang maglaro na lamang ng tumbang preso.
Ngayon lang napagtano,
Mas masaya pa lang maglaro na lang ng piko.

Nasaan na ba ang daan?
Maari bang bumalik na lamang bago ang ika-labing siyam na hagdanan?
Nasaan ang liko?
Maari bang huwag ng ituloy ang lakaran?

Tama na...
Nakakapagod pa lang maglaro na ikaw na lang palagi ang taya.
Tama na...
Nakakapagod pa lang magtago ng luha at hikbing nais kumawala.

Ulit-ulit; Pabalik

LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon