Ikalawa

46 4 3
                                    

Bitak sa daan
By Bb. Alicia
...

Ang musmos ay lumuha,
Nalaman na hindi patag ang daanan
Nasaksihan ang malaking bitak,
Namulat ang kaniyang kaisipan.

Paano nga ba nangyari?
Nagising ng alas-dose y media ng gabi,
Malakas ang ulan kasabay ng sigawan na galing sa mga labi.
Musmos pa ang kaisipan ngunit namulat na hindi masaya lagi.

Nagkaroon ng bitak,
Natalisod sa paglakad at nabitawan ang kamay na hawak.
Tumayo at muling hinawakan,
Ngunit waring hindi na mahagkan sa lawak ng pagitan.

LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon