Walang nagbago
By Bb. Alicia
...Bakit kaya ganon, ano?
Ilang beses na ganito lagi ang tagpo.
Siya pa rin ang laman ng tula at kwento,
Walang pagbabago.Hindi pa tuluyang nabibitawan ang gabay,
Naglalakad pa rin hawak ang kamay ni ina at itay.
May mga bitak na rin naman sa kalsada.
Darating kaya ang panahong siya naman ang kahawak-kamay?Tumanda at tumangkad ng ilang sentimetro.
Nakatungtong na sa kolehiyo.
Nahihirapan minsan at hiniling na sana'y maglaho.
Iba na ang totoong buhay kumpara sa laro.Kung sino ang gusto sa elementarya ay siya pa rin hanggang kolehiyo,
Walang nagbago.
Hangga ngayon ay pinapatigil niya pa rin ang aking mundo.
Hindi niya nga lang alam kaya hayun, dehado.

BINABASA MO ANG
Ligaw
PoëzieTinipong mga salita ng isang dalaga habang tinatahak ang daan tungo sa katagumpayan.