Kolehiyo: Madaling araw
By Bb. Alicia
...Rinig ko na ang tilaok ng mga manok ngunit subsob pa rin sa pagbabasa.
Nasinagan na ng liwanag ngunit hindi 'yon ininda.
Nangingitim ang kargada sa ilalim ng mata,
patuloy na naglulumikot ang lapis at pambura.Ano nga ulit ang pahina?
Sa ikaanim na put isang pahina magsisimula,
mula sa dalawang daang iba pang pahina.
Nakakatanginang maging kolehiyo na hindi nabiyayaan ng utak na hasa.Nasaan ang pantasa?!
Pudpod na ang lapis at ubos na ang pambura.
Napunit ang papel, napuno ng mga numero sa asignaturang matematika.
Inilipat ang pahina ng libro,
maayos ang mga letra ngunit waring dinaanan ng bagyo — magulo, hindi maintindihan kahit gusto.Alas-tres y medya ng madaling araw,
hinihintay masikatan ng inang araw.
Ang hirap magpatuloy sa araw-araw,
pero hindi pwedeng huminto — kailangan gumalaw.Hindi marunong lumangoy pero kailangan matuto dahil sa bawat araw, hinahatak pailalim ang mga paa ko.
.......
BINABASA MO ANG
Ligaw
PoesíaTinipong mga salita ng isang dalaga habang tinatahak ang daan tungo sa katagumpayan.