Ikasiyam

15 4 3
                                    

Limot
By Bb. Alicia
...

Tumilaok ang manok,
tanda na ang umaga'y malapit na.
Kinusot ang mga mata,
Inalis ang muta at panis na laway sa kama.

" Papasok ka?"
Tumango lamang at naghanda,
nawala sa isip kung bakit nagtanong ang kasama.
Teka, waring may kakaiba.

Nakarating sa eskwela,
tumulong sa paglalagay ng dekorasyon sa entablado, todo ngiti at ganado.
"Anong meron?" tanong ng kasama;
"Wala, tunay lang na masaya."

Buhay highschool ay nakakaengganyo, ano?
Nakakilala ng mga kaibigan,
Tumawa, umiyak, at maglaro.
Oo, mahirap ngunit totoo.

" Kaarawan ng papa mo ngayon, 'diba?"
Natigil sa ginagawa.
Marahil isa ito sa dapat matutunan,
Makakalimot kahit hindi naman sinasadya.

"Uwi na'ko..."

LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon