Ikalabing-tatlo

14 3 3
                                    

Tricycle
By Bb. Alicia
...

"Anong oras ka uuwi?"
"Alas cinco y medya.
Hindi makauwi, may tinatapos pa. "
"Sige, hintayin na lang kita."
"Kanina ka pa?"
"Oo, kaninang alas dos y media."

Alas cuatro na...
Mainit ang sikat ng araw sa labas ng gusali,
tagaktak ang pawis at hindi mapakali.
Kanina pa siya, hinihintay sunduin at pilit umiintindi,
Sa anak na panganay na may pangarap at minimithi.

Ang daming sakripisyo ng ama.
Ginagabayan ang panganay sa bawat hakbang niya.
Hindi siya bihasa sa english o matematika
ngunit batikang tunay sa pag-aalaga at aruga.

Wala siyang nasungkit na ginintuang medalya.
Hindi siya nakaakyat sa entablado para kumuha ng sertipiko ng pagkilala,
Pero iba siya.
Wala mang ganon ay natatangi ang ama.

LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon