Ikalabing-pito

7 1 0
                                    

Walang paroroonan
By Bb. Alicia

Gusto kong maglakad,
na hindi iniiisip ang dulo ng lakaran.
Gusto kong maglakbay,
na walang mapa na sinusundan.

Kusang gagalaw ang mga paa,
Mga mata ay mahahalina sa ganda,
Mga tenga ay makikinig sa huni ng musika,
Katawan ay makikiindak nang sadya.

Walang paroroonan ngunit masaya.
Magkandaligaw-ligaw man ay hindi 'yon alintana.
Gusto ko 'yon...
Gusto kong umalis nang walang pag-aalala.

Maari bang mangyari 'yon?
Kung waring bawat hakbang ay may kalakip ng direksyon?
Oo at may puntong naliligaw,
Naliligaw panandalian ngunit sumusunod din sa tamang galaw....

LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon