Ikalabing-apat

20 2 3
                                    

Naglalagablab na Aspalto
By Bb. Alicia
...

Mainit. Nakakapaso.
Sa bawat hakbang ay napapaigting.
Walang sapin sa paa,
Hindi naman kagustuhan ngunit waring sinadya.

Ilang beses mang ilipat ang pahina, hindi pa rin mahinuha.
Napudpod na ang lapis at pambura, ang hirap ng matematika.
Nagsulat ang guro sa harapan,
Napalingon sa katabi at hayun, napagalitan.

Hindi makasabay sa agos ng tao.
Nadadapa, nahihirapang tumayo.
Humingi ng saklolo,
Tinignan lang ng may pagkunot ang noo.

Ang hirap maging kolehiyo.
Ilang beses na puro na lang reklamo.
Hindi maiwasang maluha,
Sabay-sabay, nakakapanlumo.

LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon