Ikaanim

21 4 3
                                    

Buhay highschool
By Bb. Alicia
...

Nalilito na at kinakabahan.
Hindi na panganay ngunit bunsong kailangang pahalagahan.
Iba na ang mga kaklase't maestrang malalapitan,
Mga leksyon ay naging kumplikado na kalaunan.

Tresé anyos na naglalakbay,
naging munting alalay ng buhay.
Iminulat ang mga mata sa mundong walang kasiguraduhan,
binigyan ng posisyon sa klase nang hindi inaasahan.

Naging isang ina sa silid-aralan.
Tinuturo ang mga bagay na siyang natutuhan sa tahanan.
Hindi sigurado sa ginagawa,
Teka, tama ba ang sigawan sila?

Natatakot na maligaw ng landas,
Sinusunod ang inakalang tama.
Magsabi ng masasakit na salita,
sumigaw para manahimik ang kapwa mga binata't dalaga.

Inulit ang tanong,
Teka, tama pa ba ang ginagawa?

LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon