Liko
By bb. AliciaTulad ng isang upos na kandila,
Maari pa lang ihulma ang simula.
Hindi ibig sabihin na namatay ang sindi
ay hindi na magkakaroon pa ng silbi.Ang kailangan ay saktong porsyento ng pasensiya, pagmamahal, at pag-intindi.
Hindi basta-basta ang proseso ng paglago.
Hindi ito laro.
Buhay ang siyang nakataya sa bawat hakbang sa aspalto.Maari kang magbulag-bulagan,
Iwala ang sarili ng panandalian.
Magpatangay sa agos ng walang kasiguraduhan,
Hayaang ikumpas ang pakpak sa direksyong kaliwa at kanan.Magpatangay ka kahit minsan lang.
Huwag sumunod sa hawak na mapa.
Minsan, ang hindi inaasahang nilikuaan,
Iyon pala ang pinakamagandang daan.

BINABASA MO ANG
Ligaw
PoetryTinipong mga salita ng isang dalaga habang tinatahak ang daan tungo sa katagumpayan.