Ikatlo

30 4 3
                                    

Dagdag bitak; away elementarya
By Bb. Alicia
...

"Hindi kita bati."
Sinong mag-aakalang napakalaki ng epekto?
Away bata lang naman pero bakit ang sakit ng husto?
Hindi sinali sa laro,
Hindi naging kakampi sa piko.

Panguso-nguso habang may inggit sa dibdib,
Pinapanood maglaro ng chinese garter habang ang nasa isip,
"Kaya ko rin 'yan, eh..."
Hindi lamang nagkaunawaan,
Ngunit 'yon ang pinakamasakit na pinagdaanan.

Ang isang bitak sa kalsada ay mas lalong nadagdagan.
Bakit kaya gano'n?
Ang sakit sa dibdib na hindi pinili,
Magaling ka rin naman, kailangan pa bang makipagsiksikan?

......

LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon