Magulo
By Bb. Alicia
...Minsang pinagmasdan ang salamin,
Hindi makilala ang nakatingin.
Nagugulumihan,
Bakit pamilyar ngunit hindi pa rin?Maitim ang kargada sa lilim ng mga mata,
Namamalat ang labing maputla.
Walang emosyon kung pagmamasdan,
Sino ba siya?Naririnig ang mga bulong.
"Ano bang nangyari? Bakit ganito?"
Nakakalito,
Hindi alam kung saan ba tutungo.Paulit-ulit ang mga tanong,
Nakakarindi ngunit hindi masagot.
Sino ba siya?
Kalaunan ay bumagsak ang nagbabadya.

BINABASA MO ANG
Ligaw
PoesiaTinipong mga salita ng isang dalaga habang tinatahak ang daan tungo sa katagumpayan.