Gusto
By Bb. Alicia
...Naubos na ang tinta.
Wala ng papel na minsang sinulatan ng pluma.
Nasaid ang mga salitang naglalarawan,
Waring walang salita ang maglalarawan.Unang beses na naramdaman,
Tumigil wari ang takbo ng orasan.
Nakita lang naman siya,
Ngumiti lang naman sa kaniya."Tawag ka ng guro natin sa matematika."
"Bakit daw?"
"Bagsak ka raw sa kaniya...."
Talaga pa lang ang orasan ay titigil sa paggalaw....Kahit anong gawin ay mahina talaga sa matematika.
Elementarya pa lang ay alam na niya,
Pero nakakahiya pala kung ang taong gusto niya ang magpapaalala.
"Alicia, gusto mo tulungan kita?""Talaga? S-Sige!"

BINABASA MO ANG
Ligaw
PoesíaTinipong mga salita ng isang dalaga habang tinatahak ang daan tungo sa katagumpayan.