Ikaapat

27 4 3
                                    

Kaibigan
By Bb. Alicia
...

"Sinong crush mo?"
Ang mga labi ay nakabungisngis,
Nagkikilitian, nagkakasakitan ngunit hindi naiinis.
Nangunot ang noo,
"Wala. Bawal sabi nila papa, kuya at lolo."

Labing - isang taong gulang na.
Nasa ikalimang baitang ng elementarya.
Binibisita kada buwan ni pula.
Madalang na lang maglaro dahil papagalitan na ni ina.

Nakahanap ng kalaro.
Hawak kamay kung tumakbo.
Ilang beses nadapa sa daanang aspalto,
Umiyak ngunit nagpatuloy at tumayo.

May mga bitak ang daanan.
Nakakatakot masira ng buo.
May mga peklat ang naiwan.
Peklat na malayong malunasan ng husto.

LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon