Ikapito

19 4 3
                                    

Kaliwa't Kanan
By Bb. Alicia
...

Paikot-ikot, nakakahilo.
Parehong kaliwa ang paa ngunit praktisado.
Todo hataw ng husto,
Sayaw ay ginawang laro.

Pilipit ang dila.
Ang bibig ay 'di ubod bumuka.
Ano nga ulit ang lyrics ng kanta?
Teka, bumalik na lang sa simula.

Pumasok ng highschool,
Akala'y libro ang bubuksan.
Hindi naman nasabihan na pati ang pagkanta't pagsayaw ay kailangan.
Kailangan pa ba talagang pag-aralan?

Sabado at Linggo ay hindi na pahinga.
Hindi na magawang humilata sa malambot na kama.
Nakakapagod, nakakapanghina...
Pero... iba pala ang saya kapag highschool ka na.

LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon