Chapter 8

91 21 2
                                    

"Go, Dein!"

Napadaan ako sa court dahil nabalitaan kong may training sila. Wade ngayon. Kakagaling kolang sa room at inayos kolang ang hitsura ko tsaka dumiretso rito.

Nakita ko naman ang pagkaway ni Dein, he tied his hair at nagpunas ng pawis. Hindi rin lumagpas sa paningin ko ang pinakasadya ko rito, si Wade. I caught his dark eyes staring at me, napalunok tuloy ako dahil kung makatingin siya saakin ay parang kakainin niya ako. Agad naman akong tinawag ni Dein kaya napatingin ako sakanya at ngumiti.

Taray taray naman ng Captain niyo, Eagle Platoon.

Pasimpleng vinivideohan ko si Wade dahil sa galing nitong mag bassketball, yung tipong ishoshoot niya ang bola sabay talikod at boom pasok! pero bigla bigla naman itong tumitingin saakin kaya nalilipat ko tuloy bigla ang camera kay Dein.

Nagulat ako nang makita kong papunta rin sa gawi ko sina Mitch, napausog tuloy ako nang sa tabi ko sila pumunta.

"What are you doing here?!" Mitch dryly asked.

"I-im just waiting Dein.."Mahina kong sagot.

She rolled her eyes at biglang sumigaw "Enough na muna 'yan, Wade! I bought a water for you.."

Agad namang sumenyas si Wade kaya nagsialisan ang mga players.

Pumunta saakin si Dein, gayundin ay pumunta si Wade kay Mitch.  Pinagmamasdan kolang sila habang pinupunasan ni Mitch ng pawis si Wade at seryoso namang nakatingin saakin si Wade.

"Ako ba talaga ang sadya mo rito, Kai?" Mapang-asar na tanong ni Dein kaya bigla akong napalingon sakaniya.

"Asa ka," I teased.

"Ouch." Humawak ito sa dibdib niya

Biglang lumungkot ang hitsura ko, inabutan ko siya ng bottled water kahit alam kong may tubig naman sya.

"Sila naba?" Tanong ko, nakatingin ako sa gawi nila habang naglalakad palabas. Nakahawak si Mitch sa braso ni Wade habang si Wade naman ay laglag balikat na naglalakad.

"Hindi ko lang alam, tanungin ba natin?" Hindi ko alam kung seryoso ba si Dein o nang-aasar nanaman.

"Ewan ko sayo, tara nanga!" Hinampas ko ito sa braso at tumayo na.

Kinuha niya lang ang gamit niya at sumunod narin saakin.

Mahigit isang buwan narin kaming magkaibigan ni Dein at ganun nalang din ako kakomportable sakanya.

He always holding my head, porket matangkad sya saakin at kung minsan naman ay pabiro akong hahakbayan kaya nasisikmurahan kolang siya.

It was a fine afternoon, hinihintay kolang si Dein. Patuloy parin ako sa pagpapapansin kay Wade, nung nakaraan ay iniwanan ko siya ng sandwich sa isang tupperware na may design, sana nga kinakain niya 'yon, kahapon naman ay nag-iwan ulit ako ng isang juice and dandwich ulit. Kaklase kasi siya ni Dein kaya si Dein nalang ang inuutusan kong maglagay.

"Oh, kanina ka paba riyan, Tiana?"Bungad nya nanaman kaagad ay pang-aasar.

"Oo, Rapunzel! inuna mo pa makipag date eh,"Pang-aasar ko rin.

"Sus selos ka nanaman, eh ikaw lang naman ang crush ko."

"Sorry, hindi ka si Wade kaya hindi kita ikacrushback!"

Lagi niya nalang ako inaasar ng ganon kaya normal nalang saamin yun, pupunta kami ngayon sa may concert ng Calein gabi pa yun pero magpapasama pa ata si Dein bumili ng sapatos niya.

"Ay saglit lang, Tiana may nakalimutan ako." Sabi niya nang mapahinto ito.

"Tanda mo na kasi, Rapunzel " I joked

A Wave Of Love (Highschool Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon