Chapter 3

136 28 2
                                    

"What?! you have a crush on him, like gusto mo 'yon?"

Agaran kong tinakpan ang bunganga niya dahil halos mapatingin saamin ang lahat ng tao sa carfeteria, ang ingay!

"Ano ba, Anya. Keep quiet, baka malaman nila." Nahihiya kong ani rito.

Halos ilapit ko na tuloy ang mukha ko sakanya, bakit kasi ang ingay ingay nito!

"Wala kang kadala-dala Kai." Umirap ito saakin,

"Crush lang naman, OA mo!" I rolled my eyes.

"See, ganiyan din ang sinabi mo bago kayo naging mag-on ng beloved ex mo si Jayson!" Panenermon niya, "You said na, crush ko nga lang yun, Anya. Ano ba." She mocked at me.

Dapat talaga sinarili ko nalang ito. promise crush lang, crush lang talaga.

"Iba naman yung cheater na 'yon, hindi ko mapapatawad yun! cheater never deserve a second chance, they deserve our middle finger."Pakikipag talo ko pa na para bang may kaaway.

"Ewan ko sa'yo, Kai, sana nga crush lang 'yan, dahil alam naman nating isa 'yan sa playboy dito!"

"Oum, promise..." I whispered.

Nandito kami sa cafetetia naghihintay ng inorder namin, kaya ko talaga inaya si Anya rito para sabihin nga ang tungkol sa paghanga ko sa lalaking hindi ko kilala, tsaka isa pa lagi namang libre niya! Ayaw talaga nun ng nililibre, hindi mapilit.

"Ang dami naman ng inorder mo" Ani ko

Super daming inilagay na pagkain ng ale sa lamesa kahit siguro apat kami ay hindi ito mauubos.

"Pipicturan ko pang IG para aesthetic." Sabi niya habang inaayos ang pagkakasalansan ng pagkain.

Ilang minuto na at hindi parin siya tapos mag picture! busog na siguro ang cellphone niya.

"Sa wakas, natapos ka rin." Reklamo ko at nagsimula nang kumain.

Napansin kong nilalaro niya nalang ang mga pagkain, nakatutok na siya sa cellphone niya at sa tingin ko ay wala pa siyang balak ubusin ang nasa plato niya.

"Stop wasting foods, Anya. Marami kayang nagugutom, ubusin mo 'yan!" I said

Napatingin naman kaagad siya saakin at ngumiwi "Bakit kapag ba inubos ko 'to, mabubusog sila?" She chuckled.

Napasapo nalang ako sa noo, kahit kailan talaga ang babaeng ito! kaya hindi sila magkasundo-sundo ni Plea dahil parehas silang ayaw magpatalo sa asaran.

Pabalik na ako sa room dahil may dalawang subject pa kaming tatapusin, inispoil kami ng teacher namin about sa FABM siguro madali lang, feel ko madali lang eh.

Hindi pa man ako nakakahakbang sa pangalawang step ng hagdanan ay napaatras na ako pababa. Agaran akong napatago sa likod ng poste katabi ng hagdan nang makita kung sino ang papalapit.

"Shet," Bulong ko

Halos hindi ako makahinga sa kaba na para bang may tinataguan, natatakot kasi ako na baka kapag humarap ako sakanya at makitang tumingin siya saakin ay mamula nanaman ako!

Nahampas ko ang sarili ko saaking isipan nang maramdaman na ang id ko ay wala, lace nalang ang nakasuot saakin. Napalingon ulit ako sa lalaking yun paakyat sa hagdanan, halos mapatalon ako nang makitang napahinto ito at may kung anong pinulot, please huwag! sana hindi 'yan ang ID ko.

"What's that, Wade?" Tanong ng isa niyang kasama na nakasuot ng varsity jacket.

Suot niya ang jersey niya at doon ko lang nalaman ang apelyido niya, OMG!

A Wave Of Love (Highschool Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon