Chapter 31

112 11 1
                                    

Ang sakit ng dibdib ko at pakiramdam ko'y nasa ilalim na ako ng tubig, unti-unti kong dinilat ang mata ko at napapikit nalang ulit ako, hindi dahil sa silaw kundi dahil may nakita akong ulo ng lalaki na nakayuko saakin at nakadikit ang labi sa labi ko.

Nang tanggalin niya ito ay para akong nabilaukan at puro tubig ang lumabas sa bibig ko.

Mas lalo akong naubo nang makita kong si Wade ang lalaking gumawa saakin nun.

"What happend, Tiana?" nag-aalalang tanong ni Dein.

Nang aakma akong umupo ay laking gulat ko nang maghubad ng damit si Wade sa harapan ko, agad niyang  tinapis ang damit ko sa may ibabang parte ng katawan ko.

"Her leg was cramping." ani ni Wade.

"Alam kasing hindi kaya sa gitna pa ng dagat pumunta, masyado ka kasing attention seeker, Varea." mabilis akong napatingin kay Mitch nang marinig kong sabihin niya yun.

"Ginusto kong pumunta roon at wala akong intensyong magpapansin, Mitchirra." pilit kong pinakalma ang boses ko.

"Hindi naiiwasan 'yan, Mitch. Kahit wala ka sa dagat ay mapupulikat ka." si Wade.

Pinilit kong tumayo para makaalis na rito, nahawakan ko ang braso ni Dein para maalalayan ko ang sarili ko.

Mabilis akong natumba pero hindi sa buhanginan ang bagsak ko.

"Ibaba mo nga ako." pagpupumiglas ko kay Wade.

"Ako na p're, mas sanay saakin si Tiana." ani ni Dein na hawak hawak ang braso ko.

"I can handle Geneva better, man. something hurts her and it might only get worse if you lift it wrong." matalim itong tumingin kay Dein.

"Babae lang naman kaya mong buhatin, pero 'di mo kayang magdala ng responsibilidad." galit na sabi ni Dein dito.

"Rapunzel!" agad kong pinigilan si Dein dahil baka madulas pa 'to.

"Ibaba mo na ako, kaya ko na." tumingin ako kay Wade.

"Baka hindi kana makalakad sa susunod pang mga araw, Geneva. Ako na." pagpupumilit nito.

"Please, Wade-"

Napatili ako nang bigla nalang itong maglakad at hindi ako pinansin, nakatingin ng diretso sa daan at hindi pinapansin ang pagpiglas ko.

Nakarating kami sa room ko at buhat buhat parin ako, ultimo sa elevator ay hindi ako binitawan, hindi ako pinapakinggan. Kelan ba ako pinakinggan nito.

"Bakit ba napaka kulit mo?!" sigaw ko rito nang ilapag ako sa sofa.

"Hindi ako makulit, Geneva. I just want you to be safe." ani nito nang may kung anong kinukuha sa kusina.

"Kaya ko, Wade. . . kaya ko kahit wala ka."

"I know, kinaya mo nga nung wala ako, eh." mahina nitong sabi

"Buti alam mo." mariin kong rebut, "At tsaka, bakit mo pa iniwan ang girl friend mo roon, anong klaseng lalaki ka?!" pagtataray ko.

"Wala akong girlfriend, Geneva." busy parin siya at di ako hinaharap.

"Huwag mo na ngang ideny, manloloko ka nanga sinungaling kapa!" sumbat ko rito.

"Hindi ka pa rin pala naniniwala saakin." lumuhod ito sa sahig at kinuha ang paa ko, ipinatong niya yun sa maliit na palanggana.

"Walang maniniwala sayo." hindi ko ito magawang tignan habang hinahot compress ang paa ko.

"Hindi ako nagsisinungaling, Geneva, at higit sa lahat hindi kita niloko." nakita ko ang pagtingala nito saakin.

A Wave Of Love (Highschool Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon