Pagbaba namin ay nakita na agad namin sila na nakapalibot sa bonfire sa tabi ng beach, nagtatawanan. Sa hindo ko malamang dahilan agad na hinanap ng mata ko si Wade.
Natagpuan ko ito sa kabilang gilid naka upo sa troso, pinagtataka ko ay bakit magkalayo sila ni Mitch. . . ng gf nya, nang makita ko naman ang hitsura ni Mitch ay para bang kawawa ito, niyayakap ang sariling tuhod at nakayuko.
"Nandyan na pala kayo, bro!" bati ng ka teammates nila Dein.
Umupo ako sa bakanteng upuan katabi ni Janice, sa kabila ko naman ay si Dein na katabi si Wade.
Kumuha ako ng mallows at inihaw ko rin ito habang tulalang pinagmamasdan ang nasusunog na marsmallow.
"Huy, Varea!" napabalik ako sa katinuan ng sumigaw si lornie.
Ngayon kolang nakitang sunog na pala ang marshmallow na hawak ko at halos stick nalang ang makikita ko.
Lahat sila ay napatingin saakin kaya nakaramdam ako ng pagkaakward.
"Laro nalang tayo!" Janice said. Agad namang nagsihiyawan ang mga kasama namin na halatang excited.
"Truth or Dare, ayan lang naman ang common play kapag nag bo-bonfire." Si Dein.
Kumuha sila ng bote ng wine at pinaikot sa gitna 'yon, si Janice ang nagpapaikot at tinitignan kolang 'to.
Saktong sakaniya huminto ang bote at nag-unahan na silang magtanong.
"Truth or Dare?" sabay-sabay nilang tanong.
"Truth!" mabilis na sagot ni Janice.
"Ito, dahil simula dati ay hindi mo pa rin sinasabi kung sino ang nagugustuhan mo sa club ay malalaman na namin ngayon." ani ni Lucas.
"Sus, 'di na ako nahihiya. . . may anak nanga ako, eh" pabiro nito at nagtawanan ang lahat.
"Sino ang gustong gusto mo noon pa?" tanong nila.
"Baka magselos si Kai. . " tumingin saakin ito at natawa.
Napakunot noo lang ako at nagulat, "Ha?" wala sa katinuan kong tanong, may gusto rin ba sya kay Wade?
"Gusto mo rin si Wade?" ang tanong sa isip ko ay tinanong na nila.
Mabilis itong umiling, "Hindi kasi, ang bestfriend niya. Hi, Ken!" bungis-ngis niya.
"Luh, bakit ako?" gulat na tanong ni Dein.
"Sige, ako nalang. . . matagal ko ng gusto sarili ko, tatanong tanong kayo." simangot nito kaya natawa nalang din ako.
Sa hindi inaasahan ang sunod na ikot ng bote ay huminto kay Wade.
Lahat ay napatingin sa seryoso niyang hitsura, wala man lang karea-reaction nang huminto sakaniya ang bote.
"Truth or Dare?" tanong ng lahat, hindi ako kailanman sumulyap ng tingin sakaniya sa pagkakataong ito.
"Both." mabilis niyang sagot.
"Yabang, ready na ready." ani ni Janice.
"Sa truth. . . what's the best thing that you ever did for someone you love?" tanong ng isa sa cheerdancer
Lahat ay napatili nang sumulyap saakin si Wade nahagip ng vision ko yun at nagpatay malisya lang ako.
"I'm not a person who likes to take pictures. But I did it with her for the first time, taking pictures of her in front of many people because I was so proud of her. . . and until now I still have that picture." mahina at kalmado nitong sabi.
May kung ano akong naalala.
"Ang babaw naman, anyone can do that." Bulyaw nila, "Sige nga, patingin ng picture." pang-aasar nila.
BINABASA MO ANG
A Wave Of Love (Highschool Series #3)
Teen FictionGaano nga ba kalakas ang alon ng pagmamahal, kailan kaya nito matatamo ang nagpapakalmang dalampasigan? Ang babaeng nag ngangalang Kai Geneva Varea, nag iisang anak mula sa pamilyang mayaman. Nananatiling mabuti sa mundo sa kabila ng mga lihim na to...