chapter 41

110 9 0
                                    

Tatlong buwan na rin ang nakalipas nang mamamaalam si Dein, sariwa pa rin ang sakit ngunit nakakaahon na kami.

"The baby is here!" lumabas sa pinto si Wade habang buhat-buhat ang asul na bag.

"Rai is here? nasaan?!" nagagalak kong sabi at mabilis na hinubad ang apron dahil kasalukuyan akong nag bebake ng cake.

"Hi, tita mommy!" lumabas si Luisa habang buhat buhat ang sanggol na nasa asul na lampin.

Mabilis kong nilapitan at tinignan, napangiti ako nang makita ang hitsura ni Dein dito, bawat parte ng mukha ay Dein na dein pwera lang sa labi na hugis puso na nagmana kay Luisa.

"Teka, teka." Tumakbo ako sa divider para maglagay ng alcohol. Tatlong araw ding nanatili sa hospital sina Luisa dahil naka cs siya. a nahirapan sa panganganak kay Rai.

"Baby Rai. . ." binuhat ko ang bata, "Ang lago rin ng buhok baka maging si Rapunzel karin, ha!" pabiro kong ani.

"Mommy!" malakas na sigaw ni Gianna, kakauwi palang galing sa school. Morning class siya.

"Daddy said that tita Luisa's baby was here!" excited na sabi ni Gianna.

Lumabas si Luisa sa kwarto at mahinang tinawag si Gianna napalingon naman doon si Gianna at nang makitang buhat-buhat ni Luisa ang bata ay tumakbo ito. Nilaro nila ito habang nakaupo sina Luisa at Gianna sa sala.

"I have something to give you, Luisa." napatingin saakin si Luisa gayundin si Gianna.

"Ano po 'yon, ma'am?"

I gave her a key, "K-kung gusto mo nang lumipat ay pwede ka nang lumipat. P-pero sa ngayon dahil baby pa si Rai rito muna kayo." I smiled

Yayakapin niya sana ako kaso nagpanik ako nang makalimutan niyang buhat niya si Rai.

"M-maraming salamat, M-ma'am, u-utang ko po ang lahat sainyo." nagsimula nang tumulo ang mga luha nito. I wiped her tears uwing my thumb finger and I smiled.

Magkatabi kami ni Wade ngayon at haplos-haplos ang tiyan ko, "Can't wait to see you, baby!" hinalikan niya pa ang tiyan ko. "I'm so proud of you, Geneva, I love you." he kissed my forehead.

"I love you," I whispered to his ear.

Naudlot ang pagkukulitan namin nang biglang nagsalita si mommy na kakagaling lang sa labas.

" 'Nak, Kai. . . may bisita ka." She smiled.

Napakunot ako ng noo dahil wala naman akong inaasahang bisita.

Nagulat ako nang biglang lumabas ang tatlong tao, isang lalaki, isang batang lalaki at si. . . si ate Riana.

"A-ate. . ." I uttered, hindi ako makapaniwala.

"Y-yaz. . ." si Wade.

Totoo nga ang sinabi niya, magkamukhang magkamukha sila pero mas gwumapo lang si Wade dahil sa buhok at pangangatawan nito, isa pa may nunal akong palatandaan kay Wade

"Kai. . ." ate Riana run to me, she hugged me at nagsimula nang humagulhol. "P-patawarin mo ako,"

Nakita ko ang hitsura ni mommy na nagpipigil na huwag umiyak, I hugged her tight at napapikit nalang ako sa sarap nang nararamdaman ngayon.

"M-matagal na kitang pinatawad, A-ate. . . h-hindi kapa humihingi ng tawad, napatawad na kita." I held her cheeck, "Namiss kita, ate. Mahal kita," I wiped her tears at ako naman ang tumangis

"Mommy who's her?" napatingin ako sa ibaba nang marinig ang boses ng batang nagtataka.

"S-she's your tita, tita Kai." binuhat siya ni ate

"Siya ang nasa kwarto mo na picture? siya ang kinukwento mo saakin tuwing gabi na sinabi mong fairy tale? she really existed, mommy?" natulala sakaniya ang bata.

"I exist, baby. . . How old are you?" I asked.

"8 years old po. . . a-and my name is-"

"Kuya Ralph?!" Gianna cut him off.

Napatayo ng tuwid ang bata at nagulat sa nakita. "G-Gianna. . ." halos matuyuan ito ng laway.

"What are you doing here?" nakangiting tanong ni Gianna, "Y-you know my mommy?" humawak sa kamay ko si Gianna.

"Magkakilala kayo, anak?" lumuhod ako sa tabi ni Gianna

"Siya po ang kinukwento ko, si kuya Ralph! siya po ang nakikipag-away sa school sa tuwing inaasar ako." paliwanag ni Gianna, "He's older than me and I'm so happy to see him again." tumingin ito sa bata

"Siya ba si Gianna, kuya?" ate Riana  asked his child,

"Mommy please stop!" nahihiyang sabi ni Ralph, nakita ko naman ang pang-aasar na titig ni ate Riana.

Napatawa ng malakas si ate, "Pinsan mo pala ang crush mo-"

"Mommy!" saway ni Ralph.

Nagsitawanan kaming lahat habang hiyang hiya ang batang lalaki.

"Oh siya, sama-sama na tayong mananghalian." ani ko sakanila.

"Love!"

Natigilan ako nang marinig ang tawag ni Wade, seryosong nakatingin sa cellphone

"Hmm." I stared at him.

"Mitchirra Klaes died at 7:50pm, sabi ni Officer Wylan."

Lahat ay nagmistulang yelo, natigilan at nagulat.

"Suicide raw. " Wade announced.

A Wave Of Love (Highschool Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon