Katherine POV.
Sumapit ng gabi, habang nag huhugas ako ng pinggan. Napag isipan kung tawagan si Daphne para kumustahin ito.
Tumayo ako at kinuha ang cellphone na nakalagay sa tabi ng lampara. I dialed her number, then I pressed the call button.
Ring...ring...ring..
Ring...ring...ring
"Hello Daph?" panimula ko.
Mula sa telepono, rinig na rinig ko ang ingay sa kabila ng linya at sigawan ng mga tao.
Napakunot ang noo ko, I've never been in a bar before. It's not my thing because I prefer to stay in my apartment. Diba sobrang boring ng buhay ko.
"Hi Kath!!" she exclaimed.
Grabe naman itong babae makasigaw napa atras tuloy ang cellphone ko sa tenga.
"Daph? Okay ka lang?" pag alala kung saad.
"Oo naman. Alam mo ba nakita ko na siya"
"Huh? Sino naman?" Kunoot noo kung sabi.
"Iyong lalaki na sinasabi ko sayo kanina..."mahina niyang pagbigkas.
Umupo ako sa sofa saka sumandal. "Kumusta ang pagkikita niyo? Wag kang magtatagal diyan ha. Baka hanapin ka na naman ng mga magulang mo sa akin."
"Naku, ako na ang bahala sa mommy ko. Wag ka ng mag alala doon."
"Siguradohin mo lang talaga Daph, kasi wala na akong ipag papalusot ni Tita."
Narinig ko siyang humihigishis. "Relax Kath, ano kaya kung pupunta ka dito? Let's have some fun, minsan lang naman ito"
"Alam mo naman Daph, hindi ako mag eenjoy diyan."
"Sge na, ngayon lang. Hihintayin kita dito okay?" pag pakiusap niya.
"Ibaba ko na ang phone ko okay?" agad kung sabi. Anong gagawin ko naman doon sa loob. Hindi ako umiinon o kahit sumasayaw, anong gagawin ko doon? Tumungaga?
"Kath, sge na. Ngayon la-Sandali lang Paolo kausap ko pa ang kaibigan ko eh." rinig kung may kausap siyang iba.
"Hoy Daph, umayos ka diyan ha." mariin kung saad na may halong pag alala.
Narinig kung kumiliti si Daphne sa kabilang linya dahilan para tumaas ang kilay ko. "Ano ba Paolo haha sandali lang..."
Paolo? Siguro pangalan ito ng lalaki na sinasabi niya, rinig ko rin ang sagot ni Paolo kay Daphne "Mamaya na yang best friend mo. Mag eenjoy muna tayo" bigla akong napa upo ng maayos sa sagot ni Paolo.
"Sinong kasama mo diyan? Sino iyang si Paolo?
"Ah si Paolo? Siya iyong tinutukoy ko...alam mo na" mahinang usal niya.
Feeling ko may hindi magandang mangyayari.
Napakamot ko ang buhok sa pagka dismiyado. "Sige na nga, pupuntahan nalang kita diyan. Diyan ka lang at wag kang aalis sa pwesto mo" mariin kung saad sakanya.
"Seryoso?!" Napalakas ang pagka bigkas niya. "Okay lang din naman sa akin kung di ka pupunta dahil nandito naman si Paolo eh. Diba Babe?" Narinig ko naman ang boses ni Paolo "...Oo naman hindi kita pababayaan"
Naku! sa sagot palang ni Paolo parang bumabalik lahat ang sinasabi sa akin ni Marco. A promises full of lies. Sasabihin hindi ka iiwan? aalagaan ka? Ikaw lang ang babae sa buhay ko? Alam ko na yang galawan eh.
"...Oh sge na nga. Hihintayin nalang kit-" naputol agad ang linya ni Daphne.
Dahil sa kaba ko, kumaripas na ako ng takbo patungo sa Club na tinutukoy ni Daphne.
At ng makarating ako sa labas ng Club. Nakabingi ang ingay nito kahit nasa labas ka palang.
I really hate noises and crowded place, kung hindi lang kay Daphne hinding hindi talaga ako papasok dito sa buong buhay ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad patungo sa entrance ng Club.
Hindi pa ako nakalapit sa entrance hinarangan agad ako ng dalawang malalaking lalaki. Tagpo ang ang kilay ko silang tinignan isa isa saka umatras ng kunti.
"Anong?" naguguluhan kung tanong.
"Miss yung-" naputol ang sasabihin ng isang shrek ng inunahan ko na ito.
"May entrance fee dito?" pagputol ko.
Tinignan nila ang isat isa bago humalakhak. Anong nakakatawa? tumaas ang kilay ko sa pagtataka at para naman hindi medyo awkward, nakisabay na rin ako sakanila.
"Hindi Miss, walang entrance fee dito. Magbabayad ka lang kung may bibilhin ka na inumin sa loob" wika ng isa.
Napakagat ako ng labi ng malaman kung mali pala ako. Dahan dahan akong tumango na parang alam ko naman ang sinasabi nila.
"Haha Haha I know po, I know. I'm just kidding" sabay hampas ko sa braso sa isang shrek.
"And of course bibili po ako sa loob ng inumin, gusto ko kasing magpakasaya ngayong gabi eh. Wohoo" sabi ko na with pa matching pataas pa ng kamay at winagayway ko pa na parang excited na mag enjoy sa loob.
"If you want you can join me."I added seductively para makumbinsi ko sila, pero deep inside nagdadasal na ako na sana wag silang umoo sa sinabi ko.
Mariin akong napalunok ng lumapit sa akin ang isang Shrek at may ibinulong sa tenga ko. "Gusto sana namin Miss, but may trabaho pa kasi kami. How about next time then?"
Napapikit ako sa sagot niya. Naku Katherine kung ano ano ang lumalabas diyan sa bibig mo. Hindi ka naman siguro pupunta ulit dito sa club, ituloy mo lang yan hindi mo na din naman sila makikita ulit dito.
Luminghap ako sa kaginhawaan."Of course, I would love to. Next time nalang."
Bumaling sa akin ang isang Shrek na pinutol kung magsalita kanina.
"What I mean kanina Miss is yung laso niyo po sa kaliwang sapatos kanina pa hindi naka tali." sabay tingin sa sapatos ko at sinundan ko yung tiningnan niya.Tama nga naman siya hindi natali yung laso ko sa sobra kung pagmamadali kanina.
Sabay kaming tumingin sa isat-isa at dahan dahan akong ngumiti sa kanya bago mabilis na lumuhod para taliin ang tinutukoy na laso sa sapatos ko. Sana kainin na ako ng lupa...
Pagkatapos kung maitali ang laso ng sapatos ko. Ginabayan na rin nila ako papasok sa loob Club.
So This is it..
YOU ARE READING
Calming the Beast
Romance𝘽𝙚𝙖𝙨𝙩... That's what they called him. A ruthless billionaire, a mafia king, and the most feared man in the city. He has no time for romance, nor is he looking for it. He is untouchable to other girls, except to her. Katherine Marie Hernandez i...