Chapter 7

28 23 0
                                    

Katherine POV.

"Oy Daph okay lang?" habang ina ayos ko ang aking damit sa salamin saka tinignan siya mula doon sa likoran ko kung saan siya naka upo.

"A-ah Oo naman Kath" aniya pero bakas parin sa mukha nito ang lalim niyang iniisip

"You don't look okay"

I was turning around to look at myself in the mirror when she suddenly asked me something that made me frightened.

"What happened last night?" She's looking at me deeply na parang gustong gusto malaman ang sagot

Napatigil agad ako sa pag aayos ko ng damit. Nakikita ko siya kung paano umiwas ng tingin sa akin na pilit ina alala ang lahat na nangyari

Di agad ako nakasagot sa kanya at nag dadalawang isip kung paano ko sasabihin ang totoo, pati na rin tungkol kay Christian.  

"Malilintikan talaga saakin yang Paolo na yan at ang mga kaibigan niya pag makita ko sila" mariin na saad niya sabay kinuyom ang kanyang kamao.

Marahan akong nakahinga ng maluwag nang malamang wala pa siyang alam sa nangyari kagabie nila Paolo.

Tinignan ko si Daphne at umiling nalang. Mas mabuti sigurong hindi niya malaman ang totoo.

Sa tuwing binabangit niya ang pangalan ni Paolo, palaging magsitayoan ang balahibo ko. Kung alam mo lang Daphne, they are all already dead.

"Sorry Kath kung nadamay ka pa kagabi" wika niya.

"Paano nga pala tayo naka wala sakanila?" at tumingin ulit sa akin bahagyang napakamot sa kanyang ulo.

Si Christian...

"A-ano, may nagtulong lang sa atin--"

"Really? Sino? Kilala mo ba siya? Oh my gosh, magpapasalamat lang tayo sa kaniya" tuloy tuloy niyang saad

"H-hindi ko siya kilala Daph" Napa atras agad ang dila ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya tungkol kay Christian.

He is a killer, a beast, and he can kill us with just a snap of his finger. Mas mabuting kalimutan nalang namin ang lahat na nangyari. Total, impossible ng magtagpo ulit ang landas naming dalawa.

"Ganon ba" she frowned.

Tumalikod na ako para kunin na sana ang bag na nakapatong sa mesa.

"Hala, anong nangyari sa siko mo Kath?" usisa niya.

Tinignan ko ito at inalala ang lalaking nasa Club, "Ah wala ito, malayo lang to sa bituka"

Agad tumayo si Daphne at mabilis pumunta sa may drawer para kumuha ng bandage at lumapit sa akin para takpan ang sugat ko.

"It's swelling Kath, dapat hindi mo to binabalewala. Nagtatrabaho ka na, you have to look physically beautiful para mas gumanahan ang costumer sayo," then she winked at me.

"Thank you Daph." sabay yakap niya.

"Katherine! paki dala itong order sa table number 7, Bilis!" sigaw sa akin ni Jessica.

Sobrang napaka busy ngayong araw.

"Here's your order po Ma'am, enjoy your meal" I smiled at them.

"You know what Mars, one of the reasons why I love this place is that aside from their delicious foods, they also have a beautiful and kind waitress. Hindi talaga ako magsasawang pupunta dito" sabi ng isang mayamang babae sa kanyang kasama.

Napayuko ako sa sinabi ng babae at lihim na ngumiti.

"I absolutely agree with your Mars" sagot naman sa kanyang kasama saka may hinablot sa kanyang pitaka bago inabot sa akin "Here's our tip for you Miss, Thank you for serving us"

Napalaki ang mata ko sa perang inabot niya sakin "A-ang laki naman po ito Ma'am"

Ngumisi ang dalawang babae sakin at mas lalong inabot pa sakin ang pera naghintay na kunin ko ito.

"Nako Miss, that's not too big. Kunin mo na, because you deserved that tip" aniya. Ang bait naman nila.

Tumango ako. Grasya na kasi yun, tatangi pa ba ako?  "Maraming salamat po Ma'am. God bless po" saka ako umalis.

Pagkatong-tong ng break timeko, umupo ako sa gilid ng counter para magpahinga sandali. Papikit na sana ako ng biglang lumbas si Gwen kasama si Jenny na parang nagmamadali ito.

Inayos ni Gwen ang damit niya habang si Jenny naman ay nilalagyan ng foundation ang mukha ni Gwen. Anong meron?  Bakit siya nagmamadali?

"Ayos na ba ang sarili ko Jen? Maganda na ba?" Excited na tanong ni Gwen kay Jenny.

"Ayan, maganda ka na. I'm sure mapapansin ka na talaga niya" tugon naman ni Jenny.

"Sge na, nandiyan na siya Gwen, kunin mo na ang order nila" kinikilig ding wika ni Jenny.

Nagtataka ko silang tignan bago umiling nalang. Sinandal ko ulit ang ulo ko para ipagpapatuloy ko sana ang aking pagpapahinga ng may narinig akong isang bata.

Tinignan ko agad kung saan nangaling ang boses na yun.

"Mama please...I want Mango Float Milkshake, please" he cried.

"No Enzo, kulang ang pera natin para pambili niyan" habang pinapahilom niya ang kanyang anak.

"Please Mama...love love ko po kayo" paglalambing ng bata sa kaniya.

"How about this Choco Shake mas masarap naman ito kesa sa Mango float. Diba favorite mo ang Choco?" Pag kumbinsi niya kaso mukhang hindi naman ito nakikinig kasi umiling lang ang bata sa sinasabi ng ina.

Na awa naman ako sakanila bago tumayo para tignan ang milkshake na tinutukoy niya sa may menu.

May pagkamahal nga siya...

Kinuha ko ang Tip na ibinigay sa akin ng babae kanina sa may bulsa ko bago tinignan kung magkano ang Milkshake na tinutukoy sa bata.

Sakto nga pala itong tip para sa Milkshake. 

Lumapit ako sa mag ina, dala dala ang Milkshake para sa kanyang anak.

"Do you want Mango Float Milkshake little boy?" mahina kung saad sa bata.

Nanglaki ang mata sa bata ng makitang may hawak akong Mango Float Milkshake.

"Yes po, yes po, I want Mango float milkshake!" masayang sigaw niya.

"Nako Miss, Thank you. Pero hindi namin yan bibilhin, kasi kulang ang pera namin" wika agad sa Mama niya.

"Hindi po, this is for free" sabay lagay sa mesa nila 

"Talaga po?" ani ng ina niya.

Tumango ako saka tinignan ang gawi ng bata "Hey little boy. Ito na ang Milkshake mo, pero I have one condition"

Napa ayos agad sa pagka upo ang bata "Makikinig ka sa Mama mo at wag mo siyang pipilitin, kasi nasasaktan mo si Mama. Gusto mo bang nasasaktan siya?"

Umiling ito "Love ko po si Mama, ayoko po siyang makitang nasaktan"

"Love ka din naman ng Mama mo dapat maging mabait ka sa kanya okay ba yun?"

Tumango ang bata sakin saka lumapit sa mama niya para yakapin ito. Napangiti ako sa pagyakap ng bata sakanya. Nami miss ko tuloy ang yakap ng isang magulang sakin.

"Love ko po kayo Mama and sorry po kung pinilit kita" wika ng bata habang nakayakap pa din ito sa Mama niya.

Tumingin ang Mama sakin saka marahang ngumiti. "Thank you so much, Miss"

Tumango ako bago nagpa alam sakanila. "Have a great day Ma'am"

Di pa ako nakalakad ng malayo sa pwesto ng mag ina, ng may pamilyar na boses na nagbangit nang pangalan ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

Ang bilis ng kaba ko habang dahan dahang tumingin sa taong tumawag sa akin.

Suddenly, my heart beat so fast, and my world seemed to stop. I know that voice-his deep voice.

Now I know for sure, the beast is here. Christian....

"My Katherine"

Calming the BeastWhere stories live. Discover now